Palaging May Kabag at Hangin Sa Tiyan Dahilan at Sakit

Madalas ba na may kabag o hangin ka sa tiyan? Kung ikaw ay palaging dumidighay at may maasim na panlasa na galing sa sikmura, maaaring may problema ka sa iyong tiyan. Importante na mapakonsulta agad ito sa doktor.

Mga Posibleng Sakit Ng May Kabag SaTiyan

Ilan sa mga posibleng dahilan ng palaging may kabag sa tiyan ay Hyperacidity o Acid Reflux, Stomach Cancer o Gatroenteritis. Importante na masuri ng doctor upang makagawa ng tests at malaman ang sanhi ng kabag.

Magtanong Sa Doktor

Related: Sanhi ng Hyperacidity

Alamin mula sa doktor kung ano ang dahilan ng iyong sintomas.

Mga Sintomas ng Madalas ng Kabag

  • Palaging may hangin sa sikmura
  • Maasim na hangin at dighay
  • Pakiramdam na parang malaki ang tiyan
  • Puno ng kabag pagkatapos kumain
  • Maasim na pakiramdam sa sikmura
  • Parang nasusuka

Ano Ang Mga Dahilan Nito?

May mga sakit na pwedeng magpadami ng hangin sa tiyan. Ang moga posibleng sakit ay:

  • Hyperacidity
  • Diarrhea (Ano ang diarrhea?)
  • Acid Reflux
  • Impeksiyon sa sikmura
  • Ulcer
  • Cancer
  • Nalipasan ng gutom
  • Pag inom ng alcohol o alak

Gamot sa Madalas na Kabag

Ang lunas sa hyperacidity o mataas na acid sa sikmura ay gamot. May  mga antacid na pwedeng mabili sa mga botika. Para makatulong mapawi ang masakit na tiyan na may kapag, umiwas muna sa  mga chocolates, kape, softdrinks at mga pagkain na acidic.

Sa ibang mga sakit, kailangan kumonsulta sa doktor para mahanapan ng lunas. May mga tests na kailangan gawin bago malaman ang dahilan ng hangin sa sikmura. Ang mga sumusunod ay maaaring i-request ng doktor:

Barium swallow

Ultrasound

Endoscopy

Doktor Para sa Sikmura na Madaming Kabag

Ang internal medicine na doctor ay pwedeng tanungin tungkol sa tiyan. Ngunit ang espesyalista dito ay isang gastroenterologist. Humanap ng magaling na doktor para malaman ang iyong karamdaman.

Mga Pagkain na Dapat Iwasan

Kapag madalas na may kabag o mataas na acid sa sikmura, makakatulong ang pag iwas sa mga sumusunod:

  • Kape
  • Softdrinks
  • Chocolate
  • Maanghang
  • Prutas na maasim

Kumain lamang ng sapat sa iyong kaya at limitahan sa isang putahe kada kain para hindi mahirapan ang panunaw.

References from Mayoclinic

error: Copyright Protected!