Sintomas Ng Hyperacidity o Acid Reflux – Sanhi At Lunas Mga Palatandaan

Ang hyperacidity o acid reflux ay isa sa pinakamadalas na reklamo ng mga mga taong sumasakit ang tiyan. Maliban sa nakaabala ito, pwede ka rin magkaroon ng malalang sakit gaya ng ulcer kapag napabayaan. Importante na malaman mo ang symptoms ng hyperacidity pati ng acid reflux pata ito ay magamot.

Ano Ang Hyperacidity?

Ito ay ang pagtaas ng acid sa iyong sikmura o stomach. Maraming dahilan ito pero pwede mong malunasan sa pamamagitan ng gamot. May mga tao na nagkakaroon ng Acid Reflux dahil ang acid ay umaakyat papunta sa lalamunan sa sobrang dami nito.


Ano Ang Tagalog Nito? – Sinisikmura o pangangasim

Mga Sintomas

Ang simpleng hyperacidity ay may mga senyales gaya ng:

  • Parang palaging busog o bloated ang tiyan
  • May kabag o palaging dumidighay
  • Masakit ang itaas na parte ng sikmura
  • Umuutot ng madalas
  • Lusaw ang tae o nagtatae na parang diarrhea
  • Mainit ang nilalabas na dumi (tae)
  • Pakiramdam na parang nasusuka
  • Pakiramdam na gutom ulit pagkatapos kumain

Sintomas sa Bata

Ang bata at matanda ay may parehong sintomas lamang. Ito rin ay pareho sa babae at lalaki at sa mga buntis.

Ano Naman ang mga Sintomas ng Acid Reflux?

Dahil sa umaakyat na ang acid ng sikmura papunta sa lalamunan, maaari kang magkaroon ng mga sumusunod:

  • Masakit at mahapdi na lalamunan
  • Parang may tumutusok sa throat at esophagus
  • Mainit na loob ng tiyan at dibdib
  • Sumasakit ang likod
  • Heartburn

Ano Ang Lunas?

Ang simpleng hyperacidity ay pwedeng lunasan ng mga antacid. Ito ay mabibili sa mga botika at hindi na kailangan ng reseta.

Ngunit ang Acid Reflux ay medyo mas malala kaya ito ay nangangailangan ng mga gamot na ibibigay ng isang doktor. Madalas itong tinatawag na proton pump inhibitor na pumipigil sa pag-produce ng acid ng sikmura. Ito ay iniinom lamang ng sapat na araw ayon sa reseta ng doktor.

Ano Ang Dapat Kainin o Iwasan?

Dapat ka munang umiwas sa mga pagkain na nagtataas ng acid sa sikmura. Kabilang sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Chocolates
  • Kape
  • Mga dairy products haya ng gatas, keso, butter
  • Softdrinks
  • Maasim na pagkain
  • Maanghang na pagkain o spicy foods

Dapat mo rin baguhin ang iyong pagkain pansamantala habang meron kang mga sintomas. Ang pagkain ng maliliit na serving ng madalas sa buong araw ay makakatulong para maka-recover ang iyong tiyan.

Sa Anong Klase ng Doktor Dapat Magpa Check Up

Ang isang gastroenterologist ay expert sa paggamot ng mga sakit sa tiyan, sikmura, bituka at iba pang organs na may kinalaman sa pagkain, digestive system at panunaw.

Nagiging Cancer Ba Ang Hyperacidity?

Walang pag-aaral na nagsasabing nagiging cancer ang ganitong problema sa kalusugan. Ngunit maaaring may epekto ito sa pagtaas ng risk na maging colon cancer. Mabuting itanong ito sa iyong doktor upang makasiguro.

Nakakamatay Ba Ito?

Ang sakit na ito ay hindi nakakamatay ngunit ang komplikasyon na dulot nito ay pwedeng maglagay sa iyo sa alanaganin kapag napabayaan. Halimbawa nito ay ay pagkakaroon ng ulcer na malala kung saan ay dumugudugo ang sikmura.

error: Copyright Protected!