Masakit Na Bayag Ano Ang Dahilan at Sakit Nito

Masakit ba ang iyong bayag? May mga lalaking masakit ang itlog at kailangang matingnan ng isang doktor. Ang pananakit sa ilalim ng ari ng lalaki kasama ang bayag o betlog ay maaaring dahil sa isang karamdaman na hindi pa natutuklasan. Ngunit may mga paraan para ito ay malunasan.

Dahilan ng Masakit na Bayag Mga Posibleng Sakit

Ilan sa posibleng sakit na sanhi ng pananakit sa bayag ay testicular cancer, hernia (luslos), STD o kaya naman simpleng trauma lang. Maaaring ito ay sumakit dahil nabunggo o kaya naman natamaan ng matigas na bagay. Ang masikip na underwear ay pwede ring dahilan nito.

See: Online Check Up

Mga Sintomas sa Bayag o Itlog ng Lalaki

Bakit masakit ang bayag ko? Iba iba ang pwedeng dahilan ng sintomas na ito. Ang ilan sa pwedeng maramdaman ng isang lalaki ay ang mga sumusunod:

  • Parang may tumutusok sa bayag o itlog
  • Masakit kapag umiihi
  • Masakit ang itlog kapag nilalabasan ng semilya
  • May bukol sa bayag na masakit kapag hinahawakan
  • Masakit ang itlog kapag nakaupo
  • Sumasakit ang bayag bigla bigla
  • Masakit ang bayag kapag nagmamasturbate

Dahilan ng Sumasakit na Bayag

May mga karamdaman na pwedeng magdulot ng sakit sa itlog ng lalaki. Ang mga ito ay maaaring dahil sa:

  • Testicular cancer
  • Luslos (maaaring ito ay hindi masakit)
  • Na-trauma or naaksidente
  • Impeksiyon sa bayag (maaaring UTI)
  • Natamaan ng matigas na bagay
  • Masikip na brief, underwear o supporter
  • Masakit dahil sa impeksyon sa balat
  • Namamaga ang bayag
  • Diabetes (naapektuhan ang nerves)
  • Prostatitis
  • Naipit na ugat
  • Namamaga ang epididymis

Dahil lang may masakit sa bayag mo ay hindi nangangahulugan na meron ka ng mga nasabing sakit. Importante na kumonsulta sa isang doktor gaya ng urologist.

Doctor Para sa Bayag

Ang isang urologist ay eksperto sa mga sakit na may relasyon sa ari ng tao at pag-ihi. May mga test na kailangang gawin para malaman ang sanhi ng pananakit sa bayag. Kung ikaw ay malapit sa isang ospital, hanapin ang isang urologist para magpa check-up.

Paano Gamutin and Masakit na Itlog

Importante na ipakonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot. May mga treatment na pwedeng gawin para ito ay malunasan. Ang mga test na importante ay digital rectal exam, ultrasound, urinalysis at iba pa.

Look: Doktor Para sa Bayag

Masahe sa Bayag ng Lalaki (massage)

Dapat ko ba itong i-masahe? Kung ang pananakit ay sobra, mahalagang ito ay ikonsulta muna sa doktor. Huwag itong gagalawin at baka lalong lumala ang sitwasyon.

Pain Reliever

Kung ang doctor ay nagbigay ng pain reliever, ito ay pwedeng makatulong sa pananakit. Halimbawa nito ay ang sitwasyon na kung saan nagkaroon ng injury sa bayag.

Mga Dapat Bantayan

Ang anumang pagbabago sa iyong katawan ay dapat bantayan. Kung ikaw ay may nakikitang dugo sa ihi, dugo sa semilya, nana na lumalabas sa ari o namumulang ari, ito ay ipa-check up agad sa doktor.

References from Healthline and Mayoclinic

By
Last updated on

error: Copyright Protected!