Sugat Na Hindi Gumagaling ay Pwedeng Diabetes Na

May mga sugat ka ba na matagal gumaling? Isa sa posibleng dahilan nito ay pagkakaroon ng mataas na blood sugar. Kapag napabayaan, ito ay maaaring maimpeksyon o kaya ay mabulok at maputol ang kamay o paa.

Dahilan ng Hindi Gumagaling ang Sugat

Kung napapansin mo na hindi gumagaling ang mga sugat mo o kaya matagal ito maghilom, dapat mong ipakonsulta ito sa doktor dahil isang posibleng sanhi ay diabetes.


Related: Sintomas Ng diabetes

May mga sugat na bumibiliang ng ilang araw o buwan para gumaling. Madalas, ito ay dahil sa mga grabeng aksidente tulad ng pagkahulog sa motorsiklo, pagkasunog o mga aksidente na humihiwa sa balat, kalamnan, muscles at buto.

Ngunit kung ang sugat ay mababaw lamang, dapat ito ay gumaling at matuyo na makalipas ang ilang araw. Kung ito ay walang impeksyon, pwede itong gumaling sa loob ng ilang araw.

Mga Sintomas

Ang pagkakaroon ng sugat na matagal gumaling ay pwedeng may kaakibat na iba pang sintomas gaya ng mga sumusunod:

  • May nana na sugat
  • Hindi naghihilom na sugat
  • Palaging may dugo na sugat
  • Sugat na mahapdi kapag nababasa

Ano Ang Diabetes

Ito ay sakit kung saan hindi nagagamit ng katawan ang sugar ng maigi kaya ito ay napopondo sa dugo. Madalas na mabagal ang metabolism ng isang tao kaya nagkakaroon ng diabetes. Kapag masyadong maraming asukal sa dugo, mahihirapan ito na isara ang mga sugat sa katawan.

Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin

Pwedeng mag umpisa sa isang general medicine doctor. Siya ang magsasabi ng request para ikaw ay magpa blood chem test. Dito malalaman kung mataas ang iyong blood sugar.

Mapuputol ba ang Kamay at Paa Dahil sa Sugat

May mga kaso kung saan ito ay nangyayari. Madalas kapag ang tao ay may diabetes at hindi ito na-kontrol, kailangang putulin ang paa o kamay para hindi kumalat ang sugat.

Gamot Sa Diabetes

Madalas na nirerekomenda ng doktor ang exercise, proper diet at pag inom ng maintenance na gamot. Ang diabetes ay pwedeng kontrolin para hindi ito maging sanhi ng sugat na hindi gumagaling.

Sugat na May Dugo at Nana

Ito ang madalas na sanhi na pagkaputol ng paa o kamay kapag hindi naagapan. Ang nana ay senyales ng impeksyon na dapat gamutin agad agad.

Reference ClevelandClinic

error: Copyright Protected!