LBM o Diarrhea – Anong Gamot Ang Dapat Inumin

Ang diarrhea at madalas din na tinatawag na LBM o Loose Bowel Movement. Mga bata ang karaniwang tinatamaan nito dahil sa mga kinakin nila na hindi masyadong malinis. Pero may mga matatanda rin na nagkakaroon ng LBM at dapat mong malaman kung ano ang gamot para dito.

Ano ang Gamot

May mga over the counter medicines na pwedeng gamitin para sa LBM. Ito ay mabibili sa mga pharmacy at botika kahit walang reseta. Kung ang iyong LBM ay dahil sa infection, maaaring magbigay ang doctor ng antibiotics.

Related: Maasim ang Dighay at Hininga

Importante na hindi ka matuyuan o ma-dehydrate dahil sa madalas na pagdumi. Ilang oral rehydration salts ay pwedeng inumin upang mapalitan ang mga salts at electrolyte sa katawan.

Sintomas

Ang pagkakaroon ng LBM ay isang mahirap na kondisyon. Marami ang nakakaranas nito lalo na kapag hindi maayos ang preparasyo ng pagkain. Ilan sa mga posibleng sintomas nito ay:

  • Masakit ang tiyan
  • Lusaw o tubig ang tae
  • Humihilab ang tiyan
  • Parang laging nadudumi
  • Madalas ang pag utot
  • Madaming hangin sa tiyan

Paano Nagkakaroon ng LBM?

Ang LBM ay reaction ng digestive system sa problema sa tiyan. Ito ay nagdudulot ng lusaw or matubig na dumi. Madalas ito ay nakukuha sa maduming pagkain o tubig na inumin.

Ang ito rin ay pwedeng dahil sa mga sumusunod:

  • Mataas na acid sa sikmura
  • Stress
  • Puyat
  • Pag-inom ng ilang gamot na may side effects
  • Pagbabago ng panahon
  • Sobrang caffeine (kape, chocolate, softdrinks)

Mga Pagkain na Dapat Iwasan

Huwag munang kumain ng sari-saring pagkain para maka-recover ang sikmura. Kumain ng isang putahe bawat ulam. Pwede ring makatulong ang pagkain ng saging para maging buo ang dumi.

Importante and uminom ng maraming tubig para hindi ma-dehydrate. Ang oresol o salts na tablets ay binibigay din sa mga may diarrhea.

Pwede Bang Magkape Kapag May Diarrhea o LBM?

Hangga’t maaari ay huwag munang uminom ng mga kape, softdrinks at iba pang carbonated drinks. Ang mataas na laman na caffeine ng mga ito ay pwedeng makalala sa iyong karamdaman.

Paano Umiwas sa LBM o Diarrhea

  • Huwag kumain ng mga pagkain na hindi masyadong luto.
  • Hangga’t maaari, umiwas sa pagkain na nasa kalsada.
  • Siguruhing nahugasan mabuti ang mga pagkain na iluluto.
  • Uminom lang ng tubig na malinis.
  • Ang ilang supplement na may lactobacillus ay makakatulong para gumanda ang takbo ng sikmura

Klase ng Doktor na Dapat Konsultahin

Ang isang gastroenterologist ang doktor na maaaring gumamot ng LBM.

References: MedlinePlus

error: Copyright Protected!