Mga Hospital Na May MRI – Magkano Ang Scan

Kailangan mo bang magpagawa ng MRI scan? Maraming hospital ang pwede mong puntahan para magpa MRI at ito ay may mga presyo ayon sa klase. MRI ang kailangan mo kung ito ay pinapagawa ng doktor na may kinalaman sa pagsusuri ng iyong karamdaman.

Ano ang MRI

Ito ay magnetic resonance imaging. Isa itong malakas na instrumento na pwedeng makita ang pinakaloob ng iyong katawan. Ang MRI ay ginagawa lamang kung ang ibang tests ay hindi kayang sumuri ng problema mo sa katawan.

Read Aries Horoscope

Magtanong Sa Doktor

Related:Masakit ba magpa MRI

Ano ang mga Klase ng MRI

Ang scanning ay ginagawa depende sa bahagi ng katawan na may kailangan nito.

  • Cranial MRI para sa bungo, ulo at utak
  • Abdominal MRI para sa tiyan at bituka, pwede rin sa bandang taas gaya ng baga at puso
  • Bone and Muscle MRI

Magkano Ang MRI sa mga Hospital

Dapat kang maghanda na malaking halaga para sa MRI scanning. Iba iba ang presyo ng mga ito na nagsisimula sa 6,000 hanggang 25,000. Presyo ng MRI

Related: Magkano ang MRI Scan

Discount Gamit ang Senior Citizen ID o Philhealth

May mga hospital na nagbibigay ng discount sa MRI. Itanong ito sa reception area ng iyong napiling pagamutan. Kung ikaw ay may Philhealth, maaari mong itanong kung ito ay pwedeng magamit bilang discount. Madalas, ang professional fee ng doctors are covered ng Philhealth.

HMO Health Card

Ang ibang accounts ng HMO at pwedeng makabawas sa presyo ng MRI. Itanong ito sa iyong health card provider.

Mga Ospital na may MRI Scan

Ito ay ilan lamang sa mga ospital na may MRI scan:

  • St. Lukes Medical Center
  • Capitol Medical Center
  • UST Hospital
  • PGH
  • Makati Medical Center
  • Novagen
  • FEU Hospital
  • The Medical City

Paano maghanda sa MRI

Wala nang kailangang paghandaan sa prosesong ito. Ngunit ikaw ay bibigyan ng instruction ng technician kung ano ang mga dapat mong tanggalin sa katawan gaya ng alahas, relo, damit na may bakal, pustiso na may bakal at iba pa. Dapat mo ring sabihin kung ikaw ay natalsikan ng welding metal sa mata dahil kailangan munang alisin ang lahat ng bakal sa katawan bago magpa MRI.

Libreng MRI sa Government Hospitals

May ilang LGU na nagbibigay ng libreng MRI sa kanilang mga residente. Kung ito ay kailangan mo, magtanong sa iyong local public hospital para malaman kung paano mag-avail ng free MRI scan.

Reference: MedicalNewsToday

error: Copyright Protected!