Masakit Ba Ang MRI Test Scan

Maraming tao ang natatakot na magpa MRI. Baka ito ay masakit at magbigay ng side effects ang lagi nilang naiisip. Kung ito ang first time mo magpa-MRI. Pwede mong basahin ang mga susunod na detalye.

Para Saan ang test na ito?

Ginagawa ito para makita ang loob ng tissues at organs sa katawan. Pwede makita ang abnormalities sa katawan lalo na kung ang concern ay tissue damage, muscles, buto at tumor or cancer.


Masakit ba ang MRI?

Halos walang sakit na mararamdaman sa MRI scan. Pero maraming nagsasabi na parang nakaka-nerbiyos ito dahil ipapasok ka sa loob ng parang tube habang may maingay na tunog ng magnet. Pero ang MRI mismo ay hindi masakit.

Pwede kang mahilo ng konti o nerbiyosin habang ginagawa ang MRI kaya itanong sa doctor kung ok lahat ng kondisyon ng iyong katawan.

Saan ang Pinakamurang MRI na Hospital

Maraming ospital na may murang MRI. Pwede mo rin gamitin ang iyong healthcards, senior citizen card o Philhealth kung accepted.

Magkano ito?

Ang presyo ng MRI ay depende sa parte ng katawan na susuriin. Mas mataas ang presyo ng mga test na malapit sa ulo at utak. Sa isang banda, mas mahal din ang may contrast na MRI kaysa sa plain. Ilan sa mga parte ng katawan na sinusuri nito ay utak, bungo, tiyan, mga kamay at paa, tuhod at balikat, dibdib.

error: Copyright Protected!