Magkano ang MRI sa Pilipinas

Maraming ospital ang may MRI pero hindi lahat ay mura. Dapat mong malaman na ang MRI o Magnetic Resonance Imaging ay kailangan sa parte ng katawan gagawin. Dapat mo munang tanungin ang doktor kung anong parte ng katawan ang kailangan ng MRI dahil iba iba ang presyo ng mga ito.

Presyo ng MRI sa mga Ospital

Madalas na presyo nito ay mula Php 6,000 pataas depende kung ito ay Plain o with Contrast. Bawat parte ng katawan ay iba iba ang presyo. Pwede mo rin gamitin ang iyong senior citizen card or healthcard na galing sa HMO.


Magtanong Sa Doktor



Related: Mga Ospital na may MRI Scan

Dalawa ang posibleng klase ng test na ito. Mas mahal ang With Contrast kaysa sa Plain. Maaari mong tawagan ang iyong ospital para malaman kung magkano ito.

Para Saan ang MRI

Ito ay isang scan para makita kung may tumor o cancer sa katawan o mga damage sa muscles, tissue at buto. Ang test na ito ay ginagawa kung ang mga simpleng test gaya ng X-ray at blood test ay nahihirapang makakita ng sanhi ng iyong nararamdaman.

May kamahalan ang diagnostic test na ito kaya dapat mong malaman kug saang ospital ang pinakamura na merong ganitong test.

Masakit Ba Ang MRI

Ang proseso ay hindi masakit dahil hihiga ka lang at maghihintay hanggang matapos ang scanning. May ilang tao na nagsasabing nahihilo sila pagkatapos ngunit ito ay panandalian lamang.

Listahan ng Mga Hospital na may MRI Scan

St. Lukes Hospital

Makati Medical Center

UST Hospital

Medical City

FEU Hospital

Libreng MRI sa Government Hospital?

May ilang ospital sa mga local government units na nagbibigay ng libreng MRI. Ngunit ang mga ito ay maaaring hindi agad magawa dahil sa dami ng pasyente.

error: Copyright Protected!