Peklat Sa Tigyawat Sa Mukha – Paano Maalis Ang Malalim Na Peklat Sa Mukha

Madami ka bang peklat sa mukha? Isa sa madalas na sanhi nito ay pagkakaroon ng tagyawat o tigyawat. Maaaring ito ay marka na malalim ang uka sa balat o kaya naman ay kulay na hindi tugma sa iyong balat. Kung ang mukha mo ay marami nang peklat dahil sa pimples, dapat mo na itong solusyonan.

Ano Ang Pwedeng Gawin Sa Peklat Sa Mukha

May mga skin treatments na pwedeng magpabawas ng peklat. Ngunit hindi nangangahulugan na tuluyan na itong mawawala. Ang isang doktor o dermatologist ay makakapagbigay na payo kung paano ito mawawala.


Related: Butas Butas na Peklat sa Mukha

  • Diamond Peel
  • Fruit Extract Peel
  • Power Peel
  • Cosmetic Surgery
  • Dermabrasion

Kung ikaw ay may opsiyon na pumunta sa mga skin salon at skin clinic, meron silang proseso at serbisyo na pwedeng magpabawas sa peklat.

Bakit Nagkakapeklat sa Mukha?

Isa sa sanhi nito ay pagtiris o pagpiga ng mg pimples o tigyawat. Marami sa atin ang pinagbawalan ng ating mga magulang na huwag galawin ang pimples. May katotohanan ito dahil ang tigyawat na naging sugat sa mukha ay magiging permanente.

Ang isa pang dahilan ng pagkakaroon ng peklat o scar sa mukha ay aksidente. Kung ikaw ay natamaan ng isang bagay sa mukha na naging sugat, ito ay pwedeng maging permanente sa mahabang panahon.

Ano Ang Sintomas Nito?

  • Mga malalalim na uka sa mukha
  • Tusok tusok na butlig sa mukha
  • Iba ang kulay ng balat na may peklat
  • Hindi pantay na kulay ng balat sa mukha
  • Butas butas na peklat sa mukha

Gamot para sa Peklat sa Mukha

May mga cream na pwedeng mabili para sa mababaw na peklat. Ang ilan naman ay tinatawag na oxfoliant na pwedeng magtanggal ng lumang balat. Ngunit kailangan mo munang segurihin na ang mga ito ay hiyang sa iyong balat upang maiwasan ang side effects or allergy.

Epektibo ba ang Facial Scrub

Ang mga scrub na mabibili sa shops at nakakapag-tanggal ng ibabaw na balat o dead skin cells. Ngunit matagal na panahon upang ang peklat ay tuluyang mawala.

Gaano Katagal Mawala Ang Peklat ng Pimples

Depende sa iyong katawan, ito ay maaaring hindi na mawala o matagalan. May ilang tao na nagkakaroon ng malalim na peklat habambuhay. Ngunit may ilang tao rin na kusa itong nawawala. Magtanong sa iyong dermatologist kung ano ang options para mawala ito.

Magkano ang Diamond Peel

Sa Pilipinas, may mga skin centers na nagbibigay ng diamond peel service. Ang presyo nito ay Php 600 pataas bawat session.

References: MedicalNewsToday

error: Copyright Protected!