Paano Tanggalin Ang Warts Sa Mukha – Maliliit Na Warts At Kulugo Sa Katawan

Marami sa atin ang may maliliit na warts sa mukha. Pwede ito makita sa pisngi, sa ilalim ng mata, sa leeg at sa batok. Maraming pwedeng gawin para matanggal ang warts pero iba iba ang presyo ng mga ito.

Mabisang Pangtanggal ng Kulugo Sa Mukha

Pwedeng bumili ng anti warts cream. May available na brand na makikita sa mall at mga botika. Pwede rin pumunta sa mga skin salon na nag-ooffer ng warts removal. Mas mahal ang mga session dito pero instant ang resulta.


Related: Cancer Dahil sa Warts

May warts removal din sa mga clinic ng doctor na dermatologist. Dito, makakasiguro ka na tanggal ang lahat ag iyong kulugo.

Ano Ang Itsura ng Warts sa Mukha

  • Ito ay madalas na maliliit na umbok sa balat.
  • Nakikita ito sa pisngi, sa talukap ng mata, noo, baba, malapit sa ilong, leeg at batok.
  • Pwede rin ito tumubo sa gilid ng mukha at sa kilay.
  • Karaniwang kulay nito ay brown at madalas na halos tuldok lang ang itsura ng mga ito.

Ano Ang Sanhi Ng Warts?

Ito ay madalas na may kinalaman sa virus na nasa iyong katawan. Ang warts ay sanhi ng virus na nagbibigay ng umbok sa balat na pwedeng tumubo kahit saang parte.

Ang isang klase ng warts o kulugo at tumutubo lamang sa mga ari ng babae at lalaki. Ito ay tinatawag na genital warts na sanhi ng HPV o Human Papilloma Virus. Ito rin ang pwedeng maging sanhi ng cervical cancer sa mga babae.

Magkano Ang Magpatanggal ng Warts

Ang mga cream na mabibili ay may kamahalan na nagsisimula sa 2000 pesos. Sa mga facial salon naman ay per pirsao ang bilang at bayad. Sa doctor na dermatologist, pwede kang humingi ng package para tanggalin lahat ng warts sa katawan na madalas ay nasa kilikili at singit.

Mga Pagkain Na Bawal

Madalas ang warts ay hindi dahil sa pagkain. Ito ay dahil sa virus na pwede ring mahawa sa pagdikit sa isang tao na meron nito. Ang pagkain ng masustanisya ay dapat ugaliin upang maging malakas ang iyong resistensiya.

Saan Nakukuha ang Kulugo na Maliit

Ito ay nakukuha sa pagdikit sa taong meron nito. Ang isang klase naman ng warts ay nasa dugo na ng tao na kusang lumalabas sa balat. May mga klase ng warts na nakakahawa dahil sa pakikipagtalik na isang uri ng STD

Creams Na Pwedeng Gamitin

May mga nabibiling creams na pwedeng makatanggal ng kulugo. Ngunit may ilan na pwede mong makuha mula sa rekomendasyon ng dokto. Ito ay pinapahid ng ilang araw hanggang sa matuyo at masunog ang warts at kusa itong matanggal.

Reference from Healthline

error: Copyright Protected!