Diarrhea at Pagtatae – Sintomas Palatandaan at Gamot Para Rito

Ang diarrhea o pagtatae ay seryosong problema sa kalusugan. Dapat mong malaman kung ano ba ang mga palatandaan at sintomas nito para mas madali mong malunasan ang problema. Ito ay pwedeng makasagabal sa iyong gawain at magdulot ng panghihina sa maghapon.

Ano Ba Ang Senyales Nito?

Ang diarrhea o pagtatae ay tinatawag ring LBM. Ilan sa mga karaniwang sintomas nito ay:

Magtanong Sa Doktor

  • Pagtae ng lusaw na parang tubig
  • Madalas na pagdumi sa maghapon na lumalagpas sa dalawang beses
  • Humuhilab ang tiyan at puson
  • Masakit ang tiyan
  • Madalas na pag-utot
  • Kumukulo ang loob ng tiyan

Sintomas sa Bata

Pareho rin ang mga senyales sa matanda at mga bata. Ngunit maaaring hindi matiis ng mga bata kapag ang paghilab ng tiyan ay nangyayari na.

Bakit Ako Nagtatae?

Ang ilan sa mga posibleng dahilan ng diarrhea ay pagkain ng maduming pagkain. Kapag ang sikmura ay nairita dahil sa bacteria o fungus at virus, ito ay nagiging aktibo na nagpapahilab ng tiyan.

Ang isa pang sanhi ng LBM ay mataas na acid sa sikmura. Ito rin ay may kaparehong sintomas gaya ng ordinaryong diarrhea at nagpapairita sa mga bituka at sikmura.

Ang pag inom ng ilang gamot lalo na ng antibiotic ay pwede ring magdulot ng diarrhea sa tao.

Ang stress ay posible ring magkaroon ng impluwensiya sa iyong pagdumi dahil ito sa ilang kemikal sa katawan na lumalabas dulot ng stress.

Ano Ang Gamot na Pwedeng Inumin?

May mga anti-diarrhea na gamot na maiinom kahit walang reseta ng doktor. Ito ay mabibili sa mga botika. Itanong lamang kung anong brand ang mura o kaya ay ang generic name nito.

Dapat ka rin uminom ng sapat na tubig upang hindi ma-dehydrate and katawan. Ito ay mangyayari kapag paulit ulit kang dumudumi sa maghapon.

Sino Ang Doktor Para sa Pagtatae?

Ang isang gastroenterologist ay ang pwedeng konsultahin para sa iba pang problema sa iyong sikmura. Pwede ka niyang bigyan ng gamot kung masusuri niya ang iyong dumi.

Ilan sa pwedeng i-request ng doktor ay stool sample, fecalysis at maging ang endoscopy at colonoscopy sa mga malalang kondisyon. Ang pagtatae ay kusa ring gumagaling makalipas ng ilang araw.

Ngunit dapat kang uminom ng maraming tubig upang hindi ma-dehydrate.

X
error: Copyright Protected!