Senyales na Buntis – Sintomas at Palatandaan na Buntis Ka

Sa iyo bang palagay ay buntis ka? Kung ikaw ay may planong magkaanak, mabuting malaman mo kung ano ano ang mga sintomas ng buntis. Minsan, ito ay kailangan upang maging mas maingat sa katawan at magawa ang mga tama para sa kalusugan.

Ano Ang Senyales ng Pagiging Buntis?

Ang isang babae ay makakaranas ng iba’t ibang palatandaan ng pagiging buntis. Sa karaniwan, ang mga sumusunod ay pwedeng maramdmaman:


  • Laging nahihilo o masakit ang ulo
  • Pagkakaroon ng hilig sa kung ano anong pagkain
  • Palaging inaantok ang panghihina (fatigue)
  • May konting sakit sa dede o kaya namamaga ang suso
  • Masyadong maramdamin o moody
  • Mga Sintomas sa 1 Week o unang linggo
  • Pagdurugo o spotting sa vagina o puki
  • Nananakit na balakang at likod

Minsan, ang mga doktor ay hindi pa itinuturing na buntis kapag ito ay isang linggo pa lamang. Ang normal na bilang ay simula sa pinakaunang araw ng huling menstruation. Dapat mong tanungin ang iyong OB Gyne upang makasiguro.

Paano Malalaman Kung Buntis Ako?

Ang isang pinakamabisang paraan ay ang paggamit ng pregnancy test. Ito ay mbibili sa mga botika. Kung ikaw ay hindi sigurado, pwede ka ring pumunta sa isang doktor upang masuri ang iyong mga sintomas.

Teenage Pregnancy at mga Sintomas

Ang pagiging buntis sa mga edad ng teenager ay maaaring magkaroon ng ilang suliranin. Kung ikaw ay isang teenager, marapat na humingi ka ng tulong sa mas nakakatanda gaya ng iyong mga magulang upang masolusyonan kaagad ang iyong mga suliranin tungkol sa pera, sa kalusugan, pag-aaral at pakikitungo sa mga tao.

One Month na Pagbubuntis

Makalipas ang isang buwan, mas magiging halata na ang iyong pagbubuntis. Maaari ka pa ring makaranas ng mga sintomas ngunit mas madadagdagan ang iyong timbang. Sa ganitong panahon, ugaliin nang kumonsulta sa iyong doktor upang regular kang masuri.

Mabubuntis Ba Ako Kapag Hinalikan?

Maaaring ito ay nakakatawang tanong ngunit may mga tao na hindi pa naiintindihan ang proseso ng pagbubuntis. Ang halik ay hindi nakakabuntis gaya ng mga haka-haka. Ilan pang posibleng tanong ay tungkol sa paghawak ng kamay, paghawak sa ari, pagyakap at iba pa na walang kinalaman sa pagtatalik.

error: Copyright Protected!