Butlig Butlig Sa Katawan – Mga Sanhi At Dahilan

Ang butlig butlig ay maaaring dahil sa iba’t ibang dahilan. Depende sa parte ng katawan, pwedeng malaman ang posibleng sanhi ng mga ito lalo na kung may ibang sintomas na kasama. Kung ikaw ay may bukol at butlig sa balat sa buong katawan, importante na malaman ang sakit na dahilan nito.

Ano ang mga Sintomas?

Ang mga butlig sa buong katawan ay kadalasan na may relasyon sa isang sakit. Maraming pwedeng dahilan nito na dapat suriin mabuti ng doktor. Ilan sa mga sintomas na pwede mong makuha ay ang mga sumusunod:

Magtanong Sa Doktor

  • Butlig butlig sa dibdib at likod
  • Mga butlig sa bibig at bunganga
  • Butlig sa dila, gilagid at ngalangala
  • Butlig butlig sa anit at buhok
  • Mga butlig sa titi at bayag ng lalaki at butlig sa puki ng babae
  • Mga butlig butlig sa mukha, braso, paa, binti, leeg, kamay

Ano Ang Sanhi ng Butlig Butlig?

Maraming dahilan ang pagkakaroon ng butlig sa katawan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito. Dapat mong tandaan na hindi dahil may butlig ka ay kumpirmado na agad ang isang partikular na sakit. Doktor lamang ang pwedeng makapagsabi kung ano ang iyong karamdaman base sa iyong mga sintomas.

See: Pangangati ng Balat sa Likod

  • Bulutong
  • Bulutong tubig
  • Tigdas o measles
  • Sintomas ng Dengue
  • Allergy
  • Rashes
  • Kagat ng insekto
  • Bungang araw
  • Sintomas ng HIV
  • STD o sexually transmitted disease
  • Impeksyon sa buhok o balahibo sa katawan (folliculitis)

Paano Gamutin ang Butlig Butlig?

Ang gamot sa mga butlig sa katawan ay depende sa sanhi nito. Kung ikaw ay may butlig dahil sa bulutong, ito ay kadalasang pinapabayaan hanggang sa makumpleto ang cycle. Ngunit posibleng irekomenda ng doktor ang pag-inom ng gamot para hindi na lumala pa ang sintomas.

Kung ito ay dahil sa impeksyon, may mga gamot din na pwedeng ibigay ang doktor para malabanan ang virus or bacteria.

Related: Kaliskis Na Balat Sa Katawan

Ang bungang araw ay pwedeng malunasan sa paggamit ng corn starch. Ngunit may mga mabisang powder din na pwedeng mabili para mabawasan ang kati at pagdami ng butlig.

Sa mga taong may allergy sa pagkain, kemikal at iba pang produkto, mga anti-allergy na gamot ang posibleng makatulong na mawala ang butlig. Importante na ikaw ay kumonsulta rin sa doktor bago uminom o gumamit ng kahit anong gamot.

Butlig sa Loob ng Bunganga

Ang pagkakaroon ng mga butlig sa bunganga, gilid ng pisngi sa loob, ngalangala, dila at gilagid ay maaaring may nana. Kung meron ka nito, ang mga posibleng sakit ay singaw, herpes o kaya ay impeksiyon. Dapat itong makita ng isang doktor para magamot.

Titi at Bayag ng Lalaki

Isang senyales ng mga STD o sexually transmitted disease ay pagkakaroon ng butlig. Ito ay posible rin sa taong may genital warts sanhi ng HPV. Kung ang butlig ay nasa pagtubo ng buhok o bulbol, ito ay maaaring naimpeksyon lamang na tubuan ng buhok at walang kaugnayan sa STD. Ang butlig sa ulo ng titi ay maaaring sa genetics lamang.

Ari o Puki ng Babae

Ang butlig sa puke ng babae ay maaari ring may kaugnayan sa genital warts o ilang klase ng STD. Importante na ito ay mapasuri sa doktor upang magamot. Pwede ring magkaroon ng butlig sa singit at puwet.

Anit

Ang anit ay parte pa rin ng ating balat. Ito ay pwede ring magkaroon ng butlig butlig. Kung ikaw ay may nararamdamang bukol sa tubuan ng buhok sa ulo, ito ay maaaring naimpeksyon na hair follicle. Panatilihing malinis ang iyong anit upang matanggal ang mga bara na dumi sa follicles at mabawasan ang mga butlig sa ulo.

Mukha

Isa sa pinaka-karaniwang sintomas ng tagyawat o pimples ay mga butlig sa mukha. Ito ay pwedeng tumubo sa pisngi, kilay, noo, ilong at baba. Minsan, ito rin ay may nana sa loob. Ang paggamit ng facial wash para sa pimples ay makakatulong na para sa sintomas na ito.

error: Copyright Protected!