Bakit masakit ang suso ko? Ang suso ay maaaring sumakit depende kung ito ay dahil sa isang sakit o karamdaman. Madalas na mga babae ang posibleng makaranas nito. Ngunit ang mga lalaki ay pwede ring magkaroon ng ganitong sintomas na dapat pagtuunan ng pansin.
Mga Sintomas ng Masakit na Dede
Ang masakit na dibdib at pwedeng nasa kabuuan nito o kaya ay nasa suso o utong. Ilan sa mga posibleng sintomas ay ang mga sumusunod:
- Masakit na dede o suso
- Masakit na utong
- Masakit na suso ng lalaki
- Masakit na suso o dede sa babae
- Masakit na dede kapag hinahawakan
- Parang mabigat na pakiramdam sa suso
Sanhi ng Pananakit sa Dede ng Babae
Ang breast cancer ay isa sa mga kinakatakutan na sakit ng mga babae. Ang sintomas ng kanser na ito ay maaaring magsimula sa isang bukol na pwedeng makapa sa dibdib o suso. Kung ito ay may pananakit na kasama, mabuting ipatingin ito sa doktor.
Read: Mga Sintomas ng Cancer
Ang suso o dede ng babae na may lumalabas ng dugo, nana o iba pang likido na hindi normal ay dapat ipakonsulta agad sa isang doktor.
Sanhi ng Masakit na Dede sa Lalaki
Ang sanhi ng sakit sa suso ng lalaki ay maaari ring may kinalaman sa cancer. May ibang lalaki na nagkakaroon ng breast cancer ngunit ito ay may mababang tsansa lamang.
Kung ang iyong dibdib o suso ay masakit, ito ay maaaring nabunggo sa matigas na bagay, pagod na kalamnan o muscle o maaaring dahil sa iba pang sakit. Kung ikaw ay hindi sigurado, ipakonsulta ito sa doktor.
Gamot Para Sa Masakit na Suso
Ang gamot para sa masakit na dede ay binibigay lamang ng isang doktor. Matapos magpagawa ng test, may mga therapy, gamot o surgery na maaaring irekomenda.
Ang ilan sa mga tests para sa dede ay:
- Ultrasound
- X-ray
- Mammography
Makabubuting magpacheck up at huwag uminom na gamot kung hindi mo pa alam ang sanhi ng masakit na dibdib, suso at utong. Kung masakit ang dibdib kapag lumiliyad, ito ay dapat na ipagtanong sa doktor upang malaman ang dahilan.
Paano Kung May Nakapa Na Bukol?
Ang pagkakaroon ng bukol sa suso ay isang bagay na dapat dalhin sa doktor. Ito ay maaaring cyst na nasa loob. Ngunit ang pagkaaroon ng ganitong bukol ay hindi nangangahulugan ng malalang sakit gaya ng breast cancer. May ilang bukol na matatawag na benign o hindi delikado. Ito ay inaalis lamang sa surgery. Importante na ipagbigay alam mo sa doktor kung may nakapa kang bukol.
Ang pagkakaroon ng bukol sa suso ay maaaring walang sakit na maramdaman.
Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin
Ang isang OB Gynecologist ay doktor para sa mga may kinalaman sa babae. Sa lalaki, pwedeng magpakonsulta sa isang internal medicine. Ang mga nasabing doktor ang siyang magbibigay ng instructions kung anong test ang dapat gawin para malaman ang dahilan ng pananakit.