Dumudugong Gilagid: Ano Ang Solusyon at Dahilan

Ang gilagid na dumudugo ay isang kondisyon kung saan pwedeng maapektuhan ang mga ngipin. Kung ang gilagid ay parating dumudugo, kailangan itong matingnan ng dentista upang malaman ang dahilan at mahanapan ng lunas.

Mga Sintomas

Ang mga sumusunod ay posibleng may kinalaman sa problema sa gilagid:


  • Dumudugo ang gilagid kapag nagsesepilyo (toothbrush)
  • May dugo sa gilagid paggising sa umaga
  • Dumudugo ang gilagid sa gabi
  • May sugat sa gilagid at dumudugo
  • Masakit na gilagid at namamaga
  • Lasang dugo sa bunganga

Sanhi ng Gilagid na Dumudugo

Ang madalas na pagdurugo ng gilagid ay maaaring may kinalaman sa impeksiyon. Kadalasan, ang taong may ganitong sintomas ay nakakaranas ng pagdurugo at may kasamang pamamaga ng gilagid.

See: Masakit ang Ngipin Pag Inom

Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagdurugo ay ang mga sumusunod:

Gingivitis – isang uri ng impeksyon sa gilagid dulot ng mga bacteria at sugat. Pwede rin itong mangyari sa mga gilagid na hindi nalilinisan mabuti.

Mga Pagpapagawa ng Ngipin – ang mga ngipin ay pwedeng sumailalam sa ilang procedures. Ang gilagid na may dugo ay maaaring mangyari matapos ang jacket, braces, bunot, wisdom tooth na bunot o kaya simpleng pagsesepilyo.

Tuwing Kailan Dumudugo?

Ang mga gilagid ay pwedeng dumugo dahil sa mga sumusunod:

  • Pagsesepilyo ng madiin
  • Pagsisigarilyo
  • Pagkain ng matigas
  • Pagkakaroon ng sugat sa gilagid
  • Pagkakaroon ng dumi sa gilagid (tinga)
  • Hindi nalilinis na gilagid

Pwede Ba Akong Magpabunot ng Ngipin?

I-konsulta muna sa doktor o dentista ang planong pagpapabunot. Madalas na kailangan munang patigilin ang dugo sa gilagid sa pamamagitan ng pag-gamot dito.

Bago ka bunutan, posibleng magbigay muna ang dentista ng antibiotic na gamot para makontrol ang impeksiyon. Iwasan muna ang pagkain ng masyadong mainit, masyadong malamig o maanghang na mga pagkain dahil maaari itong magdulot ng dagdag na panankit sa gilagid.

Mouthwash Para sa Gilagid na may Dugo

Maraming uri ng mouthwash ang mabibili sa mga botika at grocery. Ang mga ito ay mainam para malinisan ang mga gilagid. Ngunit posibleng hindi nito mapigilan ang pagdurugo.

Ang mga oral mouthwash, toothpaste at iba pang produkto para sa ngipin ay may panandaliang epekto lamang. Dapat pa ring ikonsulta sa dentista ang iyong sintomas para sa mabisang gamutan.

Gamot Para sa GIlagid na Dumudugo

Ang pagdurugo ay hindi sakit kundi isang sintomas. Kung ang dentista ay may nakitang impeksyon, ang antibiotic na gamot ang kanyang ibibigay. Madalas na ito ay iniinom sa loob ng isang linggo hanggang sa mawala ang pamamaga ng gilagid.

Mga Pagkain Para sa Malusog na Gilagid

Ang anumang pagkain na masustansiya ay nakakatulong para mapanatili ang malusog na katawan. Magkaroon lamang ng balanseng pagkain sa araw araw ay makakatulong na sa gilagid.

Paano Linisin ang Gilagid?

Gumamit ng sepilyo na may manipis at malambot na bristles. Ito ay mainam para matanggal ang mga nakasiksik na dumi sa gilagid. Importante rin na gumamit ng dental floss para matanggal ang lahat ng tinga sa mga gilid ng ngipin.

Ano Ang Epektibong Toothpaste?

Ang toothpaste na may fluoride, green tea o kahit anong panlaban sa pagkabulok ng ngipin ay mabisa para iwasan ang impeksiyon sa gilagid.

error: Copyright Protected!