Maraming dahilan ang pagkakaroon ng butlig sa katawan at ilan dito ay allergy, kagat ng insekto o viral infection. Ayon sa Cleveland Clinic, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.
- Bulutong
- Tigdas o measleSintomas ng Dengue
- Allergy
- Rashes
- Kagat ng insekto
- Bungang araw
- Sintomas ng HIV
- STD o sexually transmitted disease
- Impeksyon sa buhok o balahibo sa katawan (folliculitis)
Sa aking experience, madalas ito ay folliculitis. Sabi ng aking derma, ito ay pagbabara ng hair follicles dahil sa alikabok at hindi nakapag kuskos ng mabuti.
Rashes
Ang gamot sa mga butlig sa katawan ay depende sa sanhi nito. Kung ikaw ay may butlig dahil sa bulutong, ito ay kadalasang pinapabayaan hanggang sa makumpleto ang cycle.
Ngunit posibleng irekomenda ng doktor ang pag-inom ng gamot para hindi na lumala pa ang sintomas.
Infection
Kung ito ay dahil sa impeksyon, may mga gamot din na pwedeng ibigay ang doktor para malabanan ang virus or bacteria.
Prickly Heat
Ang bungang araw ay pwedeng malunasan sa paggamit ng corn starch. Ngunit may mga mabisang powder din na pwedeng mabili para mabawasan ang kati at pagdami ng butlig.
Allergy
Sa mga taong may allergy sa pagkain, kemikal at iba pang produkto, mga anti-allergy na gamot ang posibleng makatulong na mawala ang butlig. Importante na ikaw ay kumonsulta rin sa doktor bago uminom o gumamit ng kahit anong gamot.