Ano Ang Prostate Cancer – Mga Sintomas At Gamot

Ang prostate cancer ay nakakamatay kapag ito ay napabayaan. Dapat mong malaman ang mga sintomas nito habang maaga para kung sakali ay maagapan at magamot. Maraming lalaki ang hindi nakakaalam ng sintomas ng cancer na ito ngunit kapag na-detect ng maaga ay pwedeng malunasan.

Ano Ang Prostate?

Ito ay isang gland sa lalaki na nagbibigay ng likido sa semilya. Ito ay nasa loob na bahagi ng puson na lalaki malapit sa pantog. Ang prostate cancer ay pagkakaroon ng tumor sa prostate ng lalaki ayon sa Mayoclinic.

Magtanong Sa Doktor

Related: Paano Malalaman Kung May Cancer

Mga Senyales ng Prostate Canser

Ang mga sumusunod ay maaaring mga sintomas ng prostate cancer:

  • Madalas na pag ihi sa gabi habang tulog
  • May dugo o bahid ng dugo sa ihi
  • Masakit na puson
  • Masakit pag nilalabasan ng semilya
  • Masakit na pantog pag umiihi
  • Parang hindi nailabas lahat ang ihi
  • Parang laging may balisawsaw
  • Hirap sa pagdumi
  • Laging naiihi
  • Hirap magpigil ng ihi
  • Mababang lagnat

Bakit Nagkakaroon ng Kanser sa Prostate?

May mga dahilan na nagpapataas ng chance magkaroon ng prostate cancer:

  • Kapag ikaw ay 50 years old pataas
  • Madalas uminom ng alak at alcohol ng sobra
  • Pagiging mataba o overweight
  • Nasa lahi

May mga Batang Lalaki ba na may Prostate Cancer?

Pwede ring magkaroon ng kanser na ito ang mas bata sa 50 years old. Katunayan, nirerekomenda ng mga doctor na magpa-check up ang mga lalaki simula 40 years old. Pero ang cancer na ito ay bihira sa kabataang lalaki.

Paano ito Gamutin?

Ito ay isang uri ng cancer na tanging ang mga doktor lang pwedeng gumamot. Pwede kang isailalam sa surgery, chemotherapy or radiation depende sa stage ng cancer.

Nakukuha ba ito sa sobrang pag-masturbate?

Ang pagsalsal o pagjajakol ay walang kinalaman sa prostate cancer. May mga ilang pag-aaral na nagsasabing mas nakakatulong ang gawaing ito para mapalitan ang semilya sa loob ng katawan at malinisan (wala pang konkretong patunay).

Ang prostate gland ay natural na lumalaki at namamaga sa prostatitis kung ito ay may impeksyon. Ngunit ang prostate cancer ay maaaring mangyari dahil sa katandaan at iba pang dahilan na may kinalaman sa lahi, pagkain, lifestyle, pag-inom, paninigarilyo, pagiging mataba at pagkakaroon ng iba pang uri ng kanser.

Herbal Medicine Para Dito

Kailangan mong tanungin ang doktor kung safe ba na ikaw ay magtake ng herbal medicine. Ang cancer ay dapat ginagamot ng doctor at hindi lang sa pamamagitan ng herbal supplements.

Anong Doktor ang Dapat Tanungin

Ang isang urologist ay eksperto sa pag-diagnose ng prostate cancer. Ang mga test na pwedeng gawin ay DRE o digital rectal exam at PSA tests kung rekomendado.

References from Mayoclinic

X
error: Copyright Protected!