May Dugo Sa Ihi – Cancer Ba Ito o Simpleng UTI?

Bakit may dugo ako sa ihi? May mga tao na nagugulat kapag ang ihi nila ay may dugo. Isa itong nakakaalarmang sitwasyon na dapat patingnan agad sa doktor. Kung ang iyong ihi ay kulay pula or dark yellow, ito ay maaaring dahil sa isang uri ng infection o kaya dahil sa malalang sitwasyon tulad ng cancer.

Mga Dahilan ng Dugo sa Ihi

Ang mapulang ihi ay hindi agad nangangahulugan na may dugo ito. Minsan, ang mga iniinom ng isang tao ay pwedeng magpakulay ng ihi. Ngunit may mga sakit na pwedeng magdulot ng dugo sa ihi gaya ng STD, UTI o kaya cancer sa prostate o ovary.


Related: Paano Malalaman Kung May Prostate Cancer

Mga Posibleng Sakit ng May Dugo sa Ihi

  • Cancer – Prostate, Cervical, Ovarian, Uterine Cancers
  • UTI – Urinary Tract Infection o STD (Gonorreha, Tulo, Chlamydia)
  • Alamin kung ano ang sakit na sanhi ng dugo mo sa ihi.
  • Palaging pag inom ng inumin na may kulay gaya ng softdrink, juice at kape
  • Pagkakaroon ng UTI o infection
  • Posibleng dahil sa STD gaya ng tulo
  • Sakit sa bato
  • Cancer
  • Sugat sa loob ng ari

Paano Gamutin ang Dugo sa Ihi

Importante na ipa-konsulta muna sa doctor kung ano ang dahilan nito. Ang pagkakaroon ng dugo sa ihi ay kailangang ituring na isang emergency. Ang isang urologist na doctor ang pwedeng konsultahin para rito.

Saan Ito Nakukuha?

Gaya ng nabanggit, pwedeng ito ay dahil sa infection. Kung hindi sigurado na dugo ang nagpakulay sa ihi, pwedeng magpagawa ng urinalysis. Magkano ang urinalysis? Depende ito sa hospital na pagpapagawaan. Madalas na ito ay nasa 300 to 700 pesos.

Iba Pang Sintomas

Ang dugo sa pag-ihi ay pwedeng may kasamang ibang sintomas. Ito ay pagkakaroon ng nana sa ari, pagkakaroon ng lagnat, masakit na puson, masakit na pantog, namumulang ulo ng ari ng lalaki o namamagang puwerta ng vagina.

May HIV Ba Ako?

Madalas na hindi HIV ang dahilan ng mapula o madugo na ihi. Ngunit kung ang HIV ay nasa advanced stage na papuntang AIDS, pwedeng dumami ang infections sa ihi na magiging dahilan ng pagkakaroon ng dugo.

Sinong Doktor Para Rito?

Ang anumang problema sa ihi at ari ay pwedeng masuri ng isang urologist. Maaari kang pumunta sa pinakamalapit na ospital para magtanong ng mahusay na doktor.

Maaari kang bigay ng mga test gaya ng ulstrasound, PSA o urinalysis.

References: Mayoclinic

error: Copyright Protected!