Pumipintig na Sakit ng Ulo Paano Gamutin

Ang sakit sa ulo na tila pumipitik ay maaaring may relasyon sa blood pressure. Ang daloy ng dugo sa katawan ay kontrolado ng puso. Kapag may problema sa puso, ito pwedeng magdulot ng alta presyon or hypertension. Sa ibang pagkakataon, ang pananakit ng ulo ay maaaring dahil sa high blood pressure.

Bakit Pumipitik ang Masakit na Ulo?

May mga taong nagkakaroon ng ganitong sintomas kapag mataas ang pressure sa dugo. Ang tila pagpitik pitik na sakit ay kadalasan dahil sa bawat tibok ng puso. Kung ikaw ay may history ng high blood o stroke, kailangan mong magpatingin sa doktor kaagad.


See: Online Check Up

Mga Posibleng Sanhi

  • Cancer sa utak
  • Init ng panahon
  • Pagod
  • Stress
  • Maling gamot na nainom
  • Buwanang dalaw sa mga babae
  • Tumor sa utak
  • Stroke
  • Gutom
  • Lagnat

Gamot Sa Pumipintig Na Ulo

Kung ang iyong sintomas ay dahil sa alta-presyon, bibigyan ka ng doktor ng gamot na maintenance para sa iyong high blood. Ngunit kung ang pananakit ay dahil lamang sa madalas na dahilan na hindi delikado, ito ay pwedeng malunasan sa iba’t ibang paraan. Ang mga posibleng gamot ay:

Look: Doktor Para sa Ulo

  • Ibuprofen
  • Paracetamol
  • Mefenamic Acid

Tandaan na ang mga gamot na nabanggit ay madalas na pwedeng bilhin sa mga botika kahit walang reseta. Ngunit hindi nangangahulugan na lahat ito ay dapat inumin. Komunsulta sa doktor kapag tuloy tuloy ang sintomas matapos mainom ang mga nasabing gamot.

Huwag iinom ng anumang gamot kung walang payo o reseta ng isang doctor.

Nakakamatay ba ang Ganitong Sakit ng Ulo

Walang makakapagsabi ngunit ang pinakamabuting gawin ay kumonsulta sa doktor para malaman ang sanhi. Ang tumitibok na sakit sa ulo, sa kanan o kaliwang bahagi man, sa bandang batok o noo, ay dapat na suriin mabuti.

May ilang pagkakataon na ang sintomas ay dahil sa isang tumor o brain cancer. Ngunit dapat na masuri itong mabuti ng isang doctor.

Parang Binibiyak ang Ulo sa Sakit

Maraming tao ang nakakaranas ng ganitong pakiramdam sa ulo. Kadalasan, ito ay sanhi ng migraine. Pero may iba’t ibang klase ng sakit na pwedeng magdulot ng ganitong pakiramdam tulad ng cluster headache or tension headache.

Doctor Para sa Sakit ng Ulo

Ang family medicine, general medicine at neurologist ay mga doctor na pwedeng tanungin tungkol sa ulo na sumasakit at pumipitik. Alamin kung saan may magaling na doktor sa malapit na hospital para ikaw ay matulungan.

May ilang tests na pwedeng ipagawa ng isang doctor. Halimbawa ng mga ito ay x-ray, MRI o CT Scan. Kung ang iyong sintomas ay madalas mangyari, ikonsulta ito sa isang espesyalista.

References from Harvard, Healthline

error: Copyright Protected!