Paano Malalaman Kung May Cancer – Sintomas At Senyales

Nag-iisip ka ba kung ang iyong sintomas ay dahil sa cancer? May mga ilang palatandaan kung ang isang tao ay may kanser. Ngunit dapat na malaman mo na hindi dahilk meron ka ng mga ito ay ibig sabihin meron ka na ng naturang sakit. Importante pa rin na manggaling sa isang doktor ang evaluation ng iyong kalusugan bago sabihin na may cancer ka.

Paano Malalaman Kung May Cancer?

Iba iba ang pwedeng tamaan ng cancer. Ito ay pwede lumitaw sa baga, prostate, breast, brain o utak at marami pang ibang organs. Ngunit madalas na may mga pagkakaugnay ang mga ito base sa sintomas. Kung ikaw ay nag-aalala, ang ilan sa mga ito ay pwedeng dahil sa cancer:

  • Biglaang pagpayat o pagkawala ng gana sa pagkain
  • Matinding sakit sa mga parte ng katawan na apektado
  • Biglaang nanghihina
  • Nalilito o nag-iiba ang isip
  • May pagdurugo sa bahagi ng katawan

Ano Ang Mga Palatandaan ng Cancer?

Bawat organ may iba-ibang palatandaan. Tandaan, hindi dahil meron ka ng mga ito ay ibig sabihin may cancer ka na.

Lung cancer – hirap sa paghinga, hindi nawawalang impeksyon sa baga, may masakit sa loob ng baga o dibdib kapag humihinga, umuubo ng dugo.

Prostate cancer – hirap makaihi, laging naiigi, may dugo sa ihi, masakit ang puson at balakang, masakit kapag nilalabasan ng tamod o semilya

Breast cancer – masakit ang suso, may lumalabas na likido sa dede o suso, may bukol sa dibdib

Brain cancer – matinding sakit ng ulo, napaparalisa ang ilang bahagi ng katawan, laging nalilito at nawawala sa isip, panlalabo ng mata

Marami pang klase ng cancer na may iba ibang sintomas at palatandaan. Kung ikaw ay may mga nararamdaman na kakaiba sa iyong katawan, mabuting ipasuri ito sa isang doktor. Dito malalaman kung ano ang dahilan ng iyong sintomas. Huwag magisip ng sakit at mag-diagnose sa sarili kung ikaw ay may kakaibang sintomas. Pumunta agad sa doktor upang makuha ang propesyunal na opinyon ng iyong kalusugan.

Importante na maging maagap sa iyong katawan kapag ikaw ay may nararamdaman na mga sakit.

error: Copyright Protected!