Masakit ba ang tagiliran mo? Minsan, magkaiba ang sanhi ng mga ito depende sa posisyon. Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong sintomas, dapat mong alamin ang posibleng mga dahilan nito. Ang masakit na tagiliran ay pwedeng may kinalaman sa iyong organ sa loob o kaya naman ay simpleng sa kalamnan at buto lamang.
Mga Sintomas ng Sakit Sa Tagiliran
Ang mga sintomas ng ganitong pakiramdam ay ang sumusunod:
- Masakit na tagiliran sa bandang baba ng tiyan
- Pananakit sa gilid ng tiyan malapit sa ilalim ng ribs
- Masakit na tagiliran kapag umiihi o dumudumi (tumatae)
- Namimilipit na sakit
- Masakit kapag nakahiga, yumuyuko o tumatagilid
Mga Dahilan at Sanhi
Tagiliran sa Kanan
May ilang organs na nasa kanan na pwedeng magdulot ng masakit na tagiliran. Halimbawa nito ay ang appendix. Kung ito ay biglang sumakit, maaaring ikaw ay may appendicitis. Ngunit doktor lamang ang pwedeng magkumpirma nito sa pamamagitan ng tests.
May ilan pang internal organs na malapit sa area na ito gaya ng atay, lapay, at isang bato (kidney, liver, pancreas). Isa sa posible ay cancer o kaya naman infections.
Sa mga babae, maaaring may kinalaman din ang pananakit sa kanilang ovaries o fallopian tube. Sa ibang kaso, ito ay posibleng dahil sa cancer. Tanungin agad ang doktor kung meron kang sakit dito na tumatagal ng ilang araw.
Pananakit ng tagiliran sa mga Babae
Ang pananakit ng tagiliran sa mga babae ay pwedeng may kinalaman sa reproductive organs. Halimbawa, ang cervical cancer na pwedeng kumalat sa mga karatig na lymph nodes ay pwedeng magdulot ng pananakit. Dapat tandaan na ito ay kailangang masuri muna ng isang doktor.
Cervical Cancer, Uterus Cancer, Ovarian at Fallopian Cancer.
Tagiliran sa Kaliwa
Sa isang banda, kung may pananakit ka sa bandang kaliwa ito ay pwedeng sa malaking bituka o colon. Minsan, pwede itong sumakit kapag ikaw ay constipated o hirap maglabas ng dumi.
Bandang Taas
Sa mga lugar ng tiyan na nasa bandang taas, pwede itong may kaugnayan sa maliit na bituka, sikmura at iba pang nasa loob na orgnas gaya ng liver, kidney at pancreas.
Ano Ang Mga Posibleng Sakit Ng Ganitong Sintomas?
Maraming organs ang pwedeng magkaroon ng problema sa masakit na tagiliran. Ilan lamang sa mga ito ay:
- Kidney failure
- Appendicitis
- Colon Cancer
- Ovary at Fallopian tube sa mga babae
- Problema sa atay at lapay
- Liver cirrhosis at cancer
- Kidney stones
- UTI
Importante na ipakonsulta mo ito sa doktor dahil sila lamang ang pwedeng magsabi kung ano ang posibleng sakit mo.
Iba Pang Dahilan
Hindi lahat ng nabanggit na sintomas ay nangangahulugan ng sakit. Minsan, may mga gawain tayo na pwedeng magdulot ng pananakit sa gilid ng katawan at tiyan:
- Sobrang stretching sa exercise
- Weightlifting at weight training sa gym
- Pagtakbo ng malayuan
- Pagkakaroon ng arthritis
- Naipitan ng ugat at muscles
- Pagkabunggo sa matigas na bagay
Mga Dapat Gawin
Kung ang iyong nararamdaman ay tumatagal na ng ilang araw, magpa-check up sa doktor. Ilan sa mga posibleng test na gagawin ay pagpitik sa iyong tagiliran at pagkapa ng bukol. Maliban dito, pwede rin mag-request ng urinalysis, colonoscopy at endoscopy depende sa evaluation ng iyong doktor.
Anong Klaseng Doktor ang Para sa Masakit ng Tagiliran?
Kung ikaw ay naghahanap, pwede kang kumonsulta sa isang gastroenterologist at urologist sa mga ganitong problema. Ngunit ang isang family medicine o general medicine doctor ay pwedeng makatulong para malaman kung ano ang posibleng dahilan.
Pwede Ba Uminom ng Pain Reliever?
Kung ang pananakit ay sa muscles lamang, ang pain reliever ay maaaring ibigay ng isang doktor para mabawasan ito.
Ano Ang Mga Test Para sa Tagiliran?
May ilang tests na pwedeng irekomenda ng isang doktor. Ito ay ang X ray, ultrasond, MRI o CT scan depende sa iyong kondisyon. May ilang din na pwedeng blood test at fecal test o urinalysis.
Posible Bang Cancer Ang Masakit na Tagiliran?
Ang cancer ay pwedeng magkaroon ng mga sintomas na kapareho ng ibang sakit. Kaya importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor.