Sintomas Ng Appendix Na Pumutok – Appendicitis At Gamot

Masakit ba ang tagiliran mo? Ang mga sintomas ng appendix na pumutok ay dapat na agapan dahil ito ay posibleng makalason sa iyong katawan. May mga dapat bantayan na appendicitis symptoms at importante na ito ay agad na mapatingin sa doktor.

Mga Sintomas

  • May biglaang masakit sa tagiliran na malapit sa pelvic bone
  • Masakit ang ibabang bahagi ng tiyan kapag hinahawakan o kinakapa at pinipindot
  • Hirap makatayo o makaupo dahil sumasakit ang tiyan
  • Masakit na bahagi malapit sa puson
  • Lagnat
  • Nasusuka
  • Walang ganang kumain
  • Nahihilo
  • Nahihirapan makautot o makadumi

Ano Ang Sintomas Sa Mga Bata


Ang pananakit sa tagiliran ng tiyan ang pinakamadalas na sintomas sa parehong bata at matanda.

Paano Malalaman Kung May Appendix Na Pumutok (appendicitis)

Ang doktor ay may paraan upang malaman kung may appendicitis o di kaya naman ay kung pumutok na ito.

  • Masakit kapag kinakapa ang ibabang bahagi ng tiyan
  • Paggamit ng ultrasound o kaya X-ray
  • Blood test para malaman kung may impeksyon
  • Physical exam
  • Urinalysis o urine test

Ano Ang Dapat Gawin

Kung sa tingin mo ay pumutok na ang iyong appendix o di kaya naman ay kung may appendicitis ka na, dapat mo itong ikonsulta sa isang doktor upang mapagamot at maagapan. Importante na pumunta agad sa emergency room kapag pumutok ito dahil pwede itong makalason sa iyong dugo.

Paano Gamutin Ang Appendicitis

Ang lunas sa appendix na namamaga ay kadalasan na sa pamamagitan ng gamot. Sa isang banda, ang namamagang appendix ay maaaring tanggalin na ng doktor gamit ang surgery.

Magkano Ang Magpa Opera ng Appendix

Ang surgery para sa appendix ay iba iba ang paraan depende sa doktor. Maaari kang magtanong sa isang ospital upang malaman kung magkano ang presyo at ang confinement kung kinakailangan.

Nakakamatay Ba Ang Appendix Na Sumabog

Ang impeksyon sa bahaging ito ng katawan ay pwedeng makalason sa iyong dugo at pwedeng maging sanhi ng kamatayan. Huwag ito patagalin lalo na kung may sakit na nararamdaman.

error: Copyright Protected!