Constipation O Matigas Na Dumi – Mga Dapat Mong Malaman

Palagi bang matigas ang iyong dumi at nahihirapan sa araw-araw? Pwede kang magkaroon ng sugat sa iyong puwet at loob ng malaking bituka kung palagi kang may constipation. Ito ay isang kondisyon sa kalusugan kung saan nahihirapan kang tumae at maglabas ng dumi dahil matigas ito at namumuo.

Ano Ang Karaniwang Sintomas ng Konstipasyon?

Ang constipation ay isang kalagayan ng problema sa pagdumi. Ito ay nagdudulot ng ilang sintomas na nagpapahirap sa isang tao.


  • Matigas na tae araw araw
  • Hirap at matigas na dumi
  • Kailangan ang pag-iri upang mailabas ang dumi
  • Pakiramdam na parang laging puno ang bituka
  • Masakit na pagdumi dahil matigas ito
  • Nasusugatan ang butas ng puwet dahil sa dumi na hirap lumabas
  • Hindi pagtae ng labis sa isang araw
  • Pagdugo ng butas ng puwet kapag dumudumi

Ano Ang Gamot Para Dito?

Ang pagpapalambot ng dumi ay importante sa taong may constipation. Ito ay para masiguro na hindi masasaktan ang iyong puwet habang dumudumi.

Ilan sa mga dapat gawin kapag may constipation ay ang mga sumusunod:

  • Pag inom ng sapat na tubig araw-araw. Ang walong baso ng tubig ay maaaring sapat na.
  • Pag-iwas sa ilang pagkain na lalong nagpapatigas na tae gaya ng mga karne.
  • Pagkain ng mg prutas at gulay na mataas sa fiber
  • Pag-ehersisyo
  • Pag-iwas sa alak, alkohol at paninigarilyo.

May ilang gamot para sa matigas na tae ang pwedeng mabili sa mga botika. Halimbawa, ang mga branded na gamot ay mabibili kahit walang reseta. May ilang paraan din na gamitin ang suppository na pwedeng makatulong upang lumabas ang dumi.

Ibang Problema

Kapag ikaw ay hirap dumumi, maaaring kailanganin mo itong puwersahin dahil nagiging lason sa katawan ang matagal na hindi pagdumi. Ngunit ito ay maaari ring makasama sa iyo dahil pwedeng masugatan ang iyong puwet at mapunit ito sa sobrang puwersa. Kapag lagi kang may constipation, dapat mo na itong ipakonsulta sa doktor.

Anong Doktor Ang Dapat Kong Hanapin?

Ang isang gastroenterologist ay ang tamang doktor para sa sikmura at panunaw ng pagkain. Kapag ikaw ay kumonsulta, pwede kang bigyan ng ilang test para malaman kung may problema ka sa kalusugan. Ang mga taong edad 40 to 50 pataas ay dapat na magkaroon ng screening para sa colon cancer at iba pang sakit.

error: Copyright Protected!