Palagi bang mainit ang pakiramdam mo sa katawan? Bagamat maaaring ito ay simpleng senyales lang ng pabago-bagong panahon, may ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng pag-iinit ng iba’t ibang parte ng katawan.
Ano Ang Dahilan Nito?
May mga ilang posibleng sanhi ng mainit na katawan. Ilan sa mga ito ay posibleng senyales ng HIV, cancer, menopause o dahil sa stress.
See: Online Check Up
Tandaan na importanteng ikonsulta ito sa doctor upang malaman kung ano ang tunay na dahilan ng mainit na katawan.
Ilan sa mga posibleng sanhi ay
- HIV
- Cancer
- Stress at anxiety
- Menopause
- Pagkakaroon ng impeksyon na nagdudulot ng sinat o lagnat
- Isang sintomas ng Cancer
- Pagdating sa edad ng menopause
- Pagbabago sa hormone sa katawan
- Pagtaas ng presyon sa dugo (posibleng high blood o hypertension)
- Pagkakaroon ng sakit sa puso
- Pagbubuntis (maaaring isa sa mga sintomas)
Gamot sa Mainit ng Katawan
Ang simpleng pagtaas ng temperatura ng katawan ay pwedeng pababain sa pagpapalamig. Halimbawa, kung ito ay dahil lamang sa panahon, pwede kang maligo ng malamig na tubig, uminom ng walong baso ng tubig araw-araw o kaya magsuot ng maluwag at komportableng damit.
Sa isang banda, ang anumang sintomas na may kinalaman sa sakit ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. May mga gamot na pwedeng maibigay ang doktor kung ito ay may kinalaman sa impeksiyon.
Sa lagnat, may mga mabibiling gamot na pwedeng inumin ayon sa sintomas. Halimbawa, may mga gamot para sa trankaso, sinat at sakit ng ulo.
Mga Posibleng Sintomas
Ang pagiinit ng katawan ay may iba’t ibang sintomas ayon sa tao.
- Mainit na pakiramdam sa loob ng katawan
- Parang lalagnatin o may lagnat sa loob
- Nanghihina ang pakiramdam na may init
- Mainit ang hininga
- Maaaring may masakit na ulo kasama na mainit na pakiramdam
Importante na ikaw ay magpakonsulta sa doktor kung meron kang sintomas na tumatagal ng ilang araw. Huwag hayaang lumala ang anumang nararamdaman upang ito ay kaagad na malunasan.
Palaging May Sinat Ang Bata
Ang bata o matanda na palaging may sinat ay maaaring may problema sa impeksiyon. Importante na malaman kaagad ang sanhi nito. Alamin kung siya ay may sugat, namamagang lalamunan at iba pa.