Tigdas – Ano Ito at Paano Gamutin

Madalas na ang tigdas ay sinasabing sakit ng mga bata. Ngunit posible ka rin magkaroon nito kung hindi ka nagkaroon nung ikaw ay bata pa. Ang tigdas ay sanhi ng measles virus na pwede mong makuha kahit saang paligid. Mabuti na ikaw ay handa kung magkakaroon ka nito.

Ano ang Dahilan ng Tigdas?

Ang measles ay tigdas sa wikang Filipino. Ito ay dahil sa virus na kung tawagin ay rubella o German Measles. Ang rubeola naman ay madalas na nakukuha pag bata pa. Ang mga virus na ito ay kadalasan nasasagap ng isang tao kapag may isang nakaroon na ng tigdas.

Magtanong Sa Doktor

Related: Ano ang Gamot sa Tigdas

Mga Palatandaan ng Tigdas

Ano ang mga sintomas ng tigdas? Una ang pagkakaroon ng rashes na nagsisimula sa mukha, leeg at tiyan.

Ito ay bababa hanggang sa paa. Ang mga rashes ay madalas na flat at kumpol kumpol. Hindi rin ito makati.

Susunod ang pagkakaroon ng katamtaman o mataas na lagnat.

Kung ang tigdas ay nasa advanced stage na, pwede ito magdulot ng masakit na lalamunan, sipon, ubo at pamumula ng mata.

Paano Ito Gamutin

Walang gamot sa tigdas dahil tulad ito ng ibang virus. Ang katawan mismo ang lalaban sa virus para ito ay mawala sa sirkulasyon at tuluyang gumaling ang pasyente.

May mga gamot na binibigay ang mga doktor para sa lagnat, sakit sa lalamunan, ubo at iba pang komplikasyon na pwedeng mangyari dahil sa tigdas.

Mga Dapat Gawin Para Maiwasan ang Tigdas

Mahirap maiwasan ang tigdas dahil ito ay maaaring masagap kahit saan. Ang importante ay pabakunahan ang mga bata sa wastong gulang para sila ay hindi na magkaroon nito. May mga measles vaccine na nirerekomenda ng mga doktor depende sa edad ng bata o sanggol.

Ano Ang Dapat Gawin Kapag May Tigdas

Pahinga ang pinakamabisang paraan upang maka-rekober sa tigdas. Ito ay kadalasan nagdudulot ng lagnat, masakit na bunganga at lalamunan, mga rashes sa balat at iba pa.

Dapat Bang Komunsulta sa Doktor?

Maaaring magpacheck up sa doktor kung ikaw ay may napakataas na lagnat. Ito rin ang paraan para masiguro na tigdas nga ang sakit mo. May  mga ilang sakit na pwedeng kahalintulad ng sintomas ng tigdas kaya importante rin na magpakonsulta sa doktor.

Magkano ang bakuna sa tigdas?

Magkano ang mga gamot para rito? Depende kung saan ka magpapabakuna. Ang measles vaccine para sa mga bata ay madalas na kasama sa isang package.

Totoo Bang Itlog Ang Gamot Sa Tigdas?

Wala pang basehan ang kaalaman tungkol sa itlog bilang gamot sa tigdas. Ngunit pwede mong itanong ito sa mga doktor. Ang pagkain ng itlog ay maaaring walang kinalaman sa sakit na ito.

Ano Ang Dapat Kainin

Kumain ng masustansiyang pagakin upang gumaling. Ito ay importante para makuha ang mga vitamins at minerals para maka-rekober ang katawan.

Gaano Katagal Mawawala ang Tigdas?

Malimit na ito ay nangyayari mula 7 hanggnag 10 araw. Ngunit may ilan na nakakarecover ng mas maaga o kahit hanggang dalawang linggo.

References: Mayoclinic

Horoscope For Tomorrow

X
error: Copyright Protected!