Sinisikmura Ako – Mga Dapat Gawin Kapag Mahapdi Ang Tiyan

Bakit ako sinisikmura? Kung ikaw ay may maasim at mahapdi na tiyan, maaaring ito ay dahil sa mataas na acid. Importante na ikaw ay uminom ng gamot at magpatingin sa doktor kung ito ay palaging nangyayari. Ang sinisikmura na tao ay madalas na may problema sa kanyang panunaw.


Read: Online Check Up

Ano ang Dahilan Nito?

Hyperacidity ang isa sa mga nangungunang dahilan ng masakit na sikmura na may hapdi. Ngunit may iba ring sakit na pwedeng kaparehas ng sintomas nito gaya ng ulcer o cancer. Importante na magpacheck up sa doktor kung kinakailangan.

Related: Gamot Para sa Hyperacidity


Look: Doktor Sa Iyong Sintomas

Mga Sintomas ng Sinisikmura

  • Maasim na itaas ng sikmura
  • Palaging dumidighay
  • Pakiramdam na puno ang tiyan
  • Puro hangin ang sikmura
  • Madalas na pag utot
  • Mahapdi na sikmura
  • Parang nasusuka

Ano ang Dapat Iwasan na Pagkain

Umiwas muna sa mga pagkain na may caffeine gaya ng chocolate, kape, tea, softdrinks at iba pa. Umiwas din sa pagkain ng maaasim gaya ng suka.

May Gamot Ba Para Sa Sinisikmura

Maraming antacid ang pwedeng mabili sa botika. Siguraduhing ikaw ay may hyperacidity bago ito inumin. Ipasuri sa doktor kung ano ang iyong karamdaman bago uminom ng kahit anong gamot. May mga sakit na pareho ang sintomas sa hyperacidity na hindi dapat balewalain gaya ng mga sumusunod:

Ulcer

Stomach Cancer

Crohns Disease

Peptic Ulcer

Doktor Para Sa Sinisikmura ng Madalas

Kapag ang sintomas mo ay masyadong madalas mangyari, dapat itong ikonsulta sa doktor. Ang isang gastroenterologist ang pwedeng tumingin ng iyong karamdaman. May mga test na pwede niyang sabihin gaya ng endoscopy, colonoscopy, barium swallow at ultrasound depende sa iyong mnararamdaman.

Ano Pa Ang Dapat Bantayan

Kung ikaw ay nawawalan ng ganang kumain, gumaan ang timbang, laging nahihilo, nagsusuka o dumudumi ng dugo na maitim, magmadaling kumonsulta sa doktor.


Last updated on

error: Copyright Protected!