Masakit Na Butas ng Titi – Dahilan ng Masakit na Butas Ng Ari sa Mga Lalaki

Masakit ba ang butas ng iyong ari kapag umiihi? May mga lalaking nakararanas ng ganitong sintomas. Ang mahalaga ay hindi ito ipagwalang-bahala dahil may mga sakit na maaaring may kaugnayan kung bakit masakit ang butas ng ari. Ang ari ng lalaki ay nagsisilbing daluyan ng ihi at ng semilya. Kapag ito ay masakit, karaniwang ito ay nangyayari kapag umiihi o kapag naglalabas ng semilya.

Read: Masakit Kapag Nilalabasan

Read Aries Horoscope

Magtanong Sa Doktor

Bakit Masakit ang Butas ng Ari Ko?

Ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit masakit ang butas ng titi ay ang mga sumusunod:

  • Tulo
  • Gonorrhea
  • Impeksiyon
  • UTI
  • Sugat sa butas ng titi
  • Mataas ng uric acid
  • May parasitiko sa butas ng ari

See: Prostate Cancer sa Lalaki

Ano Pa Ang Ibang Sintomas?

Maliban sa masakit na pag-ihi at paglabas ng semilya, ang isang lalaki ay pwede ring makaranas ng mga sumusunod:

  • Lagnat
  • Panghihina
  • Dugo sa ihi at semilya
  • Paglabas ng nana sa ari
  • Masakit ang titi kapag tinitigasan
  • Masakit ang titi kapag nakikipagtalik

Ito ba ay HIV o AIDS?

Ang HIV at AIDS ay maaari lamang makompirma pagkatapos suriin ang iyong dugo. May mga ilang sakit sa ari na pwedeng makapag pataas ng tsansang makakuha ng HIV sa isang taong meron nito ngunit ang sintomas ng masakit na butas ng ari ay hindi naiuugnay na ang tao ay may HIV.

Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin

Ang isang family medicine or general medicine na doktor ay makakatulong upang malaman kung ano ang sanhi ng masakit na butas ng ari ng lalaki. Ngunit ang eksperto sa mga ganitong karamdaman ay isang urologist. Magkano ang bayad sa isang urologist? Ito ay depende sa doktor. May ilan na nasa 500 pesos ang singil habang ang iba ay umaabot hanggang 1200 depende sa hospital.

Mga Gamot Sa Masakit Na Butas Ng Ari

Dapat munang ipa-konsulta sa doktor ang iyong sintomas bago makahanap ng lunas para rito. Ang pag-inom ng gamot lalo na kung ikaw ay may impeksiyon ay dapat na gabayan ng isang doktor. Huwag uminom ng kahit anong gamot kung ito ay hindi naman nireseta ng isang doktor.

Maraming tao ang nagkakamali ng pag-inom ng antibiotic na gamot gayung hindi naman pinayo ng kanilang doktor. Ito ay maaaring magdulot sayo ng masamang epekto sa kalusugan kung ang gamot ay hindi nireseta.

error: Copyright Protected!