Ayon sa University of Wisconsin, ang Hyperacidity ay isa sa mga nangungunang dahilan ng masakit na sikmura na may hapdi.
Ngunit may iba ring sakit na pwedeng kaparehas ng sintomas nito gaya ng ulcer o cancer. Importante na magpacheck up sa doktor kung kinakailangan.
Sa akin, madalas ako na parang nasusuka kapag mataas ang acid.
Maraming antacid ang pwedeng mabili sa botika kahit walang reseta. Kung ang pananakit ay madalas, dapat itong ikonsulta sa isang doktor.
Kapag ang sintomas mo ay masyadong madalas mangyari, dapat itong ikonsulta sa doktor. Ang isang gastroenterologist ang pwedeng tumingin ng iyong karamdaman.
May mga test na pwede niyang irekomenda gaya ng endoscopy, colonoscopy, barium swallow at ultrasound depende sa iyong mnararamdaman.
Umiwas muna sa mga pagkain na may caffeine gaya ng chocolate, kape, tea, softdrinks at iba pa. Umiwas din sa pagkain ng maaasim gaya ng suka.