Masakit na Balakang – Ano Ang Sanhi Nito

Bakit laging masakit ang balakang ko? Ang balakang ay ibabang bahagi ng likod na konektado sa baywang. Ito ang madalas na sumasakit sa mga taong nagkaka-edad. Ngunit may mga sakit na pwedeng mag resulta sa nangangalay na balakang.

Mga Posibleng Dahilan ng Masakit na Balakang

Arthritis, colon cancer, prostate cancer, herniated disc at muscle strain ay ilan lamang sa mga posibleng dahilan ng masakit na balakang. Importante na malaman ng doctor ang mga sintomas mo para maibigay ang tests at gamot na kailangan.


Related: Balakang na Masakit dahil sa Prostate Cancer

  • Problema sa buto at muscle, Rayuma, Arthritis
  • Matagal na pag upo o pagtayo
  • Dysmenorrhea, Prostate cancer, UTI
  • Colon Cancer
  • Prostate Cancer (sa mga lalaki)
  • Kanser sa Obaryo
  • Uterus cancer
  • Ovarian cancer
  • Prostatitis o pamamaga ng prostate
  • Herniated disc sa lumbar
  • Pilay

Alamin kung ano ang sakit mo na may masakit na balakang.

English ng Masakit na Balakang

Ang pagkakaroon ng lower back pain ay nakakaabala sa pang araw araw na gawain. Kung ang back pain ay ay nagiging sagabal, ito ay dapat na magamot.

Tandaan na dahil lamang masakit ang balakang ay hindi agad nangangahulugan na meron kang sakit na nakalista sa itaas. Komunsulta sa doktor para malaman ang eksaktong dahilan ng pananakit.

Mga Sakit Dahil sa Masakit na Balakang

UTI – ito ay urinary tract infection na nagdudulot ng pamamaga sa pantog o gall bladder. Maaari rin nitong maapektuhan ang bato o kidney. Ang uti ay posibleng may iba pang sitomas gaya ng dugo sa ihi, lagnat at pananakit ng puson.

Colon Cancer – ang cancer na ito ay may kinalaman sa pagkakaroon ng tumor sa malaking bituka. Kung ang cancer ay kumalat na, ito ay pwedeng magdulot ng masakit na likod at balakang. Ngunit ito ay dapat na kumpirmahin ng doktor bago mo malaman ang tamang gamot para rito.

Ovarian Uterus at Cervix Cancer – gaya ng ibang cancer, kapag ang cancer cells ay kumalat na sa ibang bahagi ng katawan, maaari itong magdulot ng masakit na pakiramdam sa ibabang likod. Maliban sa sintomas na ito, pwede ring magkaroon ng pagdurugo, pagbaba ng timbang at pamamaga ng mga kulani. Importante na matingnan ng doktor ang iyong sintomas kung palaging masakit ang balakang.

Pagod – karaniwang sumasakit ang likod kapag ikaw ay pagod. Ito ang pinakamadalas na sanhi sa mga taong may edad na. Dapat kang magpahinga at kung maaari ay i-masahe ang ibabang bahagi ng likod para ito ay guminhawa.

Rayuma at Arthritis – madalas na magkasabay na tumatama ang sakit na ito sa mga matatanda. Ang balakang ay may mga parte ng buto, ligaments at muscles na pwedeng maapektuhan ng alinman sa mga ito. Ang bahaging ito ay pwedeng sumakit lalo na kung mataas ang iyong uric acid o malamig ang panahon.

Slipped Disc or Herniated Disc – ito ay iritasyon sa spinal cord sa lumbar kung saan ang malambot na parte ng buto ay lumulusot. Ito ay posibleng mangyari sa na-injure na tao dahil sa sports, pagbubuhat ng mabigat, pagkahulog o pagkabunggo sa matigas na bagay.

Gamot Para Sa Masakit na Ibabang Bahagi ng Likod

May mga paraan para malunasan ang lower back pain o balakang na masakit. Kung ito ay dahil sa pagod, pwedeng gumamit ng liniment o pain patch. Ang pain reliever ay pwede ring gamitin ngunit dapat mong ikonsulta sa doktor kung ikaw ay iinom nito o kung meron kang allergy.

May mga langis at cream na pwede rin gamitin para mabawasan ang nararamdaman na sakit. Pwede ba itong i-masahe? Ang masahe ay nakakabawas ng sakit sa kalamnan at buto. Pwede itong gawin para ma-relax ang muscles.

May gamot ba na pwedeng inumin? Kung ang sakit ay dahil lamang sa muscle at pagod, maaaring makatulong ang pain reliever na nabibili sa mga pharmacy at botika. Hindi na kailangan ng reseta ng mga ito. Dapat mong bantayan kung ikaw ba ay allergic rito o kaya naman ay nagkakaroon ng side effects sa pag-inom nito.

Medical Tests Para Sa Balakang na Sumasakit

  • X Ray
  • MRI
  • Ultrasound
  • Nerve test

Ang X-ray sa buto ay pinapagawa rin ng doctor kung ang nakikitang dahilan ay ang buto. Ang physical therapy ay maaari ring i-rekomenda ng doctor kung ang problema ay dahil sa muscles at buto. Ang arthritis ay dapat ring bigyan ng pansin dahil maaari itong lumala habang tumatanda.

Ano Ang Dapat Bantayan

Maliban sa pananakit, dapat mo ring bantayan ang ilang sintomas na may kinalaman sa mga sakit. Ito ay gaya ng pagdurugo sa pag-ihi, pagbabago sa dumi o tae, pagdurugo sa tae, pagbaba ng timbang o pagpayat, pagsakit ng puson at baywang, pamamanhid sa mga binti at paa pati ang hita at pangangalay. Magpakonsulta sa isang doktor kapag ang pananakit ay tumagal ng ilang araw.

Doktor Para sa Balakang

Ang balakang ay may buto at muscles. Kung sa tingin mo ang sakit ay dahil dito, pwede kang kumonsulta sa isang orthopedic surgeon na tinatawag. Pwede ka rin magpa-check up sa isang general o family medicine. Ngunit ang pagbabago sa pag-ihi, pagdurugo at paglabas ng semilya ay pwedeng ikonsulta sa isang OB Gyne o Urologist. Ang rayuma at arthritis naman ay posibleng magamot ng isang rheumatologist.

Masakit Na Balakang Ng Buntis

Ang mga babaeng buntis ay pwedeng makaranas ng pananakit ng balakang. Dahil ito sa dagdag na bigat na kailangan nilang dalhin dahil sa baby. Ang balakang ay pwedeng mabigyan ng lunas para mabawasan ang pangangalay.

Sumasakit na Balakang ng Matanda (Senior Citizen)

Madalas ang mga may edad ay nagkakaranas ng ganitong sakit dahil sa panghihina ng buto at muscles o kaya naman ay rayuma at arthritis.

Balakang na Masakit Pagkatapos Mag Gym Workout Exercise

May mga pagkakataon na maaaring sumakit angiyong balakang kung mali ang iyong buhat. Ito ay pwedeng mangyari kapag hindi tama ang posisyon mo halimbawa dahil sa deadlift.

Ointment at Oils Para sa Balakang na Masakit

May mga easy to apply oils, creams at lotions na pwedeng makatulong para mabawasan ang balakang na masakit. Ilan sa mga ito ay may menthol na nakakaginhawa sa balakang na sumasakit.

Herbal Para sa Masakit na Balakang

May herbal medicines ba ne pwede sa balakang? Ang mga pain relievers na uri ng herbal na gamot ay pwedeng makabawas sa pananakit. Ngunit dapat mong itanong sa doktor kung ano ang pwedeng inumin na herbal kaugnay sa iyong sintomas.

Source: Medicinenet

error: Copyright Protected!