Problema sa Bumbunan – Bakit Ito Masakit?

May mga taong sumasakit ang bumbunan. Kahit na ito ay bihira lamang mangyari, dapat na alamin kung ano ang sanhi nito. Madalas na ang bumbunan ay sumasakit kapag may problema sa buhok at anit. Ngunit kung ito ay nananakit sa loob ng ulo, dapat itong patingnan sa doktor.

Ano Ang Bumbunan?

Ito ang pinakataas na bahagi ng ulo. Narito nakalagay ang anit at mga buhok. Ang bumbunan ay pwedeng sumakit kung ito ay nabunggo sa matigas na bagay. Ang anit ay balat na bahagi nito at minsan, ito ay maaari ring sumakit.


Magtanong Sa Doktor



Bakit Masakit ang Bumbunan Ko?

May ilang dahilan kung bakit ito posibleng sumakit. Kung ang iyong anit ang problema, malalaman mo ito dahil ang masakit na bahagi ay nasa ibabaw na parte ng ulo. Ito ay sasakit kapag may sugat sa anit.

Ang pagkauntog ay posible ring magdulot ng masakit na itaas ng ulo. Dapat itong ingatan dahil sensitibo ang kabuuan ng ulo.

Isa pang dahilan ng pagsakit nito ay pagkakaroon ng sakit sa ulo. Malawak ang pwedeng maging dahilan nito tulad ng migraine, cluster headache o brain tumor. Kung sa tingin mo na ang masakit na parte ay nasa loob ng ulo, marapat na ito ay matingnan ng isang doktor.

Ilang Sintomas

  • Masakit na bumbunan kapag natutulog
  • May sakit na nararamdaman kapag hinahawakan
  • Laging masakit buong araw at araw araw
  • Malambot na bumbunan na masakit

Ano Ang Posibleng Gamot Para Rito?

Kung ang dahilan ay sugat sa anit, ito ay gagaling din kalaunan. Ang isang impeksyon sa anit ay posibleng magamot ng antibiotic ngunit dapat ito ay nireseta ng doktor. Iwasan munang gumamit ng matatapang na produkto sa buhok dahil maaari itong makairita sa balat ng ulo.

Kung ang dahilan naman ay pagsakit ng ulo, may ilang gamot na pwedeng mabili sa mga botika. Ito ay pwedeng gamitin na pain reliever upang mawala ang sakit pansamantala.

Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin?

Ang general medicine na doktor ay pwede nang tumingin sa ganitong sintomas. Ikaw ay maaaring mabigyan ng gamot depende sa dahilan ng pananakit.

error: Copyright Protected!