Pamumutla – Mga Sanhi ng Maputlang Katawan

Ikaw ba ay palaging namumutla? Maraming tao ang madalas makaranas nito ngunit hindi malaman ang dahilan. Ang isang tao na sinasabing namumutla ay kadalasang may problema sa dugo. Ito ay nakikita sa balat at sa parte ng mukha kung saan ang kompleksyon ay hindi sapat. Ang pamumutla ay maaaring dahil sa isang karamdaman na dapat tugunan ng pansin.

Ano Ang Sanhi Nito?

May mga taong maputla dahil sa natural na kulay ng kanilang balat. Ngunit hindi pangkaraniwan sa isang taong kayumanggi na maging maputla at ito ay dapat na ipagbigay alam sa isang doktor.


Ilan sa mga sanhi ng pamumutla ay ang mga sumusunod:

  • Kakulangan sa iron sa dugo
  • Pagiging malnoris
  • Kakulangan sa pagtulog
  • Kulang sa tubig
  • Nalipasan ng gutom
  • May malubhang sakit

Saan Ito Pwedeng Makuha?

Ang kakulangan sa iron ay nangyayari sa isang tao na kulang sa masustansiyang pagkain. Kapag ikaw ay may kulang na nutrisyon, ito ay magiging sanhi na matamlay na katawan at panghihina. Ito rin ang magdudulot nang pamumutla.

Sa isang banda, ito ay pwedeng makuha dahil sa pagiging inaktibo. Kapag kulang ka sa ehersisyo, ikaw ay pwedeng manghina at maging matamlay.

Ang mga taong may malubhang sakit gaya ng kanser (cancer) o kaya naman ay HIV at AIDS ay pwedeng magkaroon ng ganitong sintomas.

Ang pagbubuntis ng isang babae ay pwedeng makapagpababa ng kanyang iron sa dugo. Dahil dito, may ilang supplements na pwedeng inumin kapag nireseta ng doktor.

Ano Ang Lunas

Ang isang lunas ay ang pagkain ng mga masustansiyang pagkain gaya ng gulay at prutas. Ang isda at karne ay may iron din na makakatulong upang mapunuan ang kakulangan sa mga ito.

Minsan, ang pagkakaroon ng aktibong katawan ay nakakatulong upang manumbalik ang tunay na kulay ng katawan. Ito ang nagbibigay sigla sa kaugatan at dugo ng isang tao.

Ano Ang Dapat Bantayan?

Ang pamumutla ay maaaring may kasamang ibang sintomas. Magpakonsulta sa doktor kung ikaw ay mayroon ring pagkahilo, sakit ng ulo, panghihina at iba pa.

error: Copyright Protected!