Pantal Pantal Sa Balat Na Makati at Hindi Makati

May mga pantal ka ba sa iyong balat? Iba iba ang dahilan nito ngunit pwede mong lunasan kung may alam kang sanhi ng sintomas. Ang pagpapantal sa balat ay reaksiyon ng katawan sa isang pangyayari. Maaaring ito ay gamutin kung may impormasyon tungkol sa pinagmulan nito.

Ano Ang Mga Sintomas?

Ang pagpapantal ay pwedeng magkaroon ng iba’t ibang sintomas. Depende sa tao kung ano ang nagiging sanhi nito. Ang malimit na pakiramdam ng isang tao na may pantal pantal ay ang mga sumusunod:


  • Nakaumbok na pantal sa balat
  • Makati na pantal na kulay pula
  • Pantal na hindi makati
  • Hindi nakaumbok na pula sa balat
  • Namamaga ang ibabaw ng balat

Ano Ang Mga Poisbleng Sanhi Nito?

Ang pantal ay nakikita at nararamdaman sa balat. Ilan sa mga posibleng sanhi ay:

  • Allergy sa pagkain, panahon, dumi o kemikal
  • Impeksiyon sa balat
  • Pagkakaroon ng sakit dahil sa virus gaya ng bulutong o tigdas
  • Pagkakaroon ng problema sa dugo
  • Nakagat ng insekto o hayop
  • Allergy sa gamot
  • Pagkakaroon ng iba pang sakit

Paano Ito Gamutin?

Ang pantal ay madalas na hindi nagagamot dahil senyales ito ng problema sa kalusugan. Ngunit pwede mong mabawasan ang dulot na kati nito sa paggamit ng mga gamot. Importante na ang gamot ay may reseta ng doktor bago mo ito inumin.

Sa mga botika, may mga gamot na pwedeng mabili na anti-allergy ngunit dapat mong siguraduhin na ligtas ito bago mo inumin. Minumungkahi namin na ikaw ay magpakonsulta muna sa isang doktor bago uminom ng kahit anong gamot.

Paano Malalaman Kung Allergy Lang Ito?

Ang allergy ay may ilan pang sintomas maliban sa pantal. Ito ay paninikip ng hininga, pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagsakit ng tiyan, pagbahing at panghihina.

Ito Ba Ay HIV?

May ilang tao na may reaksiyon sa HIV infection na nagiging sanhi ng pagpantal sa balat. Ngunit ang sintomas na ito ay hindi ginagamit na panukat kung ang isang tao ay mayroon ngang HIV. Ito ay nakokompirma lamang sa pamamagitan ng blood test.

Pantal At Lagnat

Kung ikaw ay may lagnat, dapat mo itong ipagbigay alam sa doktor dahil maaaring ito ay isang impeksiyon. Dapat mo ring bantayan ang ibang sintomas ng allergy.

 

error: Copyright Protected!