Ang pagkauntog ay posibles maging dahilan ng masakit na bumbunan. Dapat itong ingatan dahil sensitibo ang kabuuan ng ulo.
Isa pang dahilan ng pagsakit nito ay pagkakaroon ng sakit sa ulo. Malawak ang pwedeng maging dahilan nito tulad ng migraine, cluster headache o brain tumor.
Kung sa tingin mo na ang masakit na parte ay nasa loob ng ulo, marapat na ito ay matingnan ng isang neurologist.
Ilang Sintomas
- Masakit na bumbunan kapag natutulog
- May sakit na nararamdaman kapag hinahawakan
- Laging masakit buong araw at araw araw
- Malambot na bumbunan na masakit
Kung ang dahilan ay sugat sa anit, ito ay gagaling din kalaunan. Sabi ng aming derma, iwasan munang gumamit ng matatapang na produkto sa buhok dahil maaari itong makairita sa balat ng ulo.
Kung ang dahilan naman ay pagsakit ng ulo, may ilang gamot na pwedeng mabili sa mga botika. Ito ay pwedeng gamitin na pain reliever upang mawala ang sakit pansamantala.
Ang general medicine na doktor ay pwede nang tumingin sa ganitong sintomas. Ikaw ay maaaring mabigyan ng gamot depende sa dahilan ng pananakit.