Paypay Sa Likod na Masakit

Ang dahilan ng masakit na paypay ay maaaring may kinalaman sa mga muscle o kalamnan, sakit o impeksyon. Ang sanhi nito ay pwedeng mula sa baga o sa buto at muscle.

Pagod

Ang pagkapagod sa maghapon ay pwede ring magdulot ng masakit na likod. Sabi ng ClevelandClinic, ito ang isa sa pinakamadalas ng dahilan ng pananakit ng paypay.

Lung Cancer

Ito ay pwedeng magdulot ng ngawit o masakit sa loob ng likod. Ngunit dapat mong alalahanin na madalas ay walang nararamdamang masakit kahit ang tao ay may lung cancer o tumor. Kung ito ay mangyari man, maaaring ang kanser ay nasa malalang kondisyon na.

TB

Ang itaas ng bahagi ng likod ay pwedeng maging lugar kung nasaan ang bacteria ng TB. Ito ay makikita lamang sa X ray at iba pang test. Kung ikaw ay palaging may ubo sa hapon, lagnat, pumayat at nanghihina, marapat na kumonsulta sa isang doktor.

Arthritis

Ito ay posible ring maging sanhi ng masakit na paypay. Kung ang mga kasu kasuan mo ay masakit at hirap ito ibaluktot, pwedeng dahil ito sa arthritis. Dapat mong alamin kung ito ay may koneksyon din sa rayuma at sakit sa mga buto.

Kung ikaw ay may simpleng pananakit lamang ng likod, ito ay pwedeng malunasan ng mga pain reliever. Ang ilan sa mga unang solution o first aid ay pagpahid ng mga oils na mabibili sa mga botika at grocery stores.

Ang doktor lang ang pwedeng magbigay ng gamot kung ito man ay may kinalaman sa baga gaya ng infection o cancer.

Pwede ka munang magpa-check up sa isang family medicine. Dahil hindi pa natin alam ang eksaktong sanhi, makakapag-request and doctor ng ilang tests gaya ng x-ray.

Mga Sintomas

Ang ilan sa mga ito ay maaaring mga sintomas ng masakit na itaas ng likod:

  • Ngalay o nangangawit na likod
  • Paypay na masakit na parang tinutusok
  • Masakit na likod sa itaas kapag nakatayo
  • Masakit na likod kapag nakaupo ng matagal
  • Paypay na masakit kapag yumuyuko

Tips

Kung ang iyong karamdaman ay dahil lamang sa fatigue, stress at pagod, pwede kang magpamasahe o massage upang mawala ang ngalay.

Samantala, kung mayroon kang ibang sintomas gaya ng ubo, mabuti na ipa check up ito sa isang doktor upang makagawa ng mga test.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Paypay Sa Likod na Masakit