Hindi Makatulog Sa Gabi – Ano Ang Sanhi At Solusyon?

Ang sapat na oras sa pagtulog ay importante para ikaw ay hindi magkasakit at magkaroon ng enerhiya sa araw araw. Pero kapag ang isang tao ay hirap makatulog sa gabi o may insomnia, may mga ilang dahilan nito na dapat solusyonan. Bakit hindi ako makatulog tuwing gabi?

Mga Dahilan ng Hirap sa Pagtulog

May mga ilang dahilan kung bakit ang isang tao ay nahihirapan na makatulog kapag gabi. Ito ay pwede lamang magkaroon ng lunas kung alam mo ang sanhi. Ilan sa mga sumusunod ang karaniwang dahilan ng hindi pagtulog:


Insomnia – ito ay isang termino na ginagamit kapag ang isang tao ay laging hindi nakakatulog na nangyayari gabi-gabi. May ilang tao na panandalian lamang ang insomniya pero ito ay maaaring makasagabal sa normal na paggana ng katawan.

Ano Ba Ang Sintomas ng may Insomnia?

Pag-inom ng caffeine drinks – may ilang pagkain at inumin na pwedeng maging stimulant sa katawan kaya nahihirapan ang isang tao na makatulog. Ilan sa mga ito ay kape, tsaa, softdrinks at chocolate. Iwasan muna ang mga pagkaing ito at tingnan kung may pagbabago sa pagtulog.

Stress – maraming nag-aakala na kapag ang tao ay pagod, mas madali siyang makakatulog. Ito ay hindi palaging nangyayari dahil ang tao kapag stressed ay mas hirap makatulog sa gabi. Ito ay may koneksiyon sa pagkakaroon ng stress hormones na pumupigil sa isang tao para makatulog ng mahimbing.

Menopause – sa mga babae, ang hirap sa pagtulog ay maaaring dulot ng menopause. Ang pag-iiba ng hormone ay pwedeng makaapekto sa normal ng tulog sa gabi.

Sakit – may mga sakit na maaaring makaapekto sa pagtulog. Ilan sa mga ito ay diabetes, brain cancer o tumor, hormone imbalance, HIV, nerve damage, multiple sclerosis at iba pa.

Ilang Oras Dapat Ang Tulog

Ang normal na tulog ay karaniwang tumatagal ng walong oras. Ito ay ang optimum na bilang ng oras para makapag-pahinga. Ngunit may ilang tao na sanay magkaroon ng 4 o 6 na oras na tulog lamang.

Masama Ba Ang Sobrang Tulog?

May masamang epekto rin ang labis na pagtulog. Dahil dito, ang pagkakaroon ng diabetes, sakit sa puso at stroke ay maaaring mas mataas sa mga taong sobra sa tulog araw araw.

Lunas Para Sa Hindi Makatulog

Ang lunas para sa hirap makatulog ay kailangan malaman upang ikaw ay makapagpahinga ng maayos. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Pag-inom ng gatas
  • Pagbawas ng stress sa buhay at katawan
  • Pagtakda ng oras ng tulog
  • Pagsunod sa tinakdang oras
  • Pagkain ng masustansiyang pagkain
  • Pag-inom ng vitamins kung kinakailangan
  • Pag eehersisyo ng regular

May Mga Pagkain ba na Pampatulog?

Ang gatas ang pinaka karaniwang ginagamit para makatulog. Meron itong mga sagkap ng nagpapakalma na pwedeng maging dahilan ng pagkaantok.

Ano Ang Gamot Sa Insomnia?

May ilang supplements na gawa sa herbal medicine na sinasabing nakakatulong sa pagtulog. May ilang sleeping pills din na pwedeng mabili mula sa mga botika ngunit ikaw ay dapat na sumangguni muna sa isang doktor bago uminom ng mga produktong ito dahil maaari silang magbigay ng side effects o makasama sa kalusugan.

Epekto ng Kulang Sa Tulog

May masamang epekto sa kalusuguan ang kulang sa tulog. Ito ay pwedeng magpahina sa resistensiya o immune system. Dahil dito, mas madali kang kapitan ng mga sakit. Pwede rin itong maging dahilan ng pagiging emosyonal na maaaring humantong sa stress at depresyon.

error: Copyright Protected!