Bakit Palaging Inaantok – Dahilan At Lunas

Ikaw ba ay palaging inaantok? May ilang kondisyon sa kalusugan na nagiging dahilan ng madalas na pagiging antukin. Importante na ito ay iyong malaman upang makakuha ng lunas. Ang pagiging antukin o palaging inaantok ay maaaring makaistorbo sa iyong araw araw na gawin.

Dahilan ng Palaging Inaantok

Bakit palaging inaantok? Ilan sa mga posibleng dahilan kapag palaging inaantok ay diabetes, HIV, cancer, fatigue at malnutrition. Sa ibang tao, ang sanhi ng palaging inaantok ay insomnia at stress. Makabubuting magpa-check up sa doktor kapag may sintomas.


See: Online Check Up

  • Diabetes – Ang mataas na blood sugar ay pwedeng magdulot ng labis na pagkaantok ngunit may mga paraan para mapababa ang blood sugar.
  • Cancer
  • Malnutrisyon
  • Insomnia o pagpupuyat
  • HIV – Ang pagkakaroon ng HIV ay posible ring magdulot ng madalas na antok dahil sa impeksyon na kumakalat.
  • Stress

Gamot Sa Laging Inaantok

Subukan munang magpahinga at magkaroon ng sapat na oras ng tulog. Kung ikaw ay may kakulangan sa sustanisya, dapat na kumain ng mga pagkain na may sapat na vitamins at minerals.

Look: Kumonsulta sa Doktor

May mga sleep doctor din na pwedeng konsultahin kung ikaw ay palaging inaantok. Dapat na bantayan ang iyong kalusugan kung ikaw ay madalas na inaantok sa umaga.

Doctor Para Sa Palaging Inaantok

Ano ang doktor para sa laging inaantok na sintomas? Kung ikaw ay nakakaranas ng antok palagi, importante na ito ay makita ng isang doktor. Ang isang family medicine, sleep doctor o general medicine doctor ay pwedeng konsultahin.

Kung ikaw ay may kasalukuyang karamdaman, pwede mo rin itong ilapit sa isang endocrinologist kung ito ay diabetes o kaya naman sa isang infectious disease doctor kung ikaw ay may ibang impeksyon sa katawan.

Ano Ang Mga Sintomas ng Pagiging Antukin?

  • Palaging inaantok sa umaga
  • Inaantok buong maghapon
  • Parang palaging pagod sa maghapon
  • Palaging inaantok kahit sobra sa tulog
  • Hindi makatulog hanggang madaling araw

Ano Ang Sanhi o Dahilan ng Palaging Inaantok?

May ilang kondisyon na pwedeng maging sanhi ng palaging pagkaantok. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga posibleng sanhi:

  • Kakulangan sa tulog o pagpupuyat
  • Pagkakaroon ng diabetes
  • Mahinang immune system
  • Menopause
  • Kakulangan sa sustansiya
  • Impeksiyon

Mga Pagkain Para Sa Palaging Inaantok

Ang pagkain para sa inaantok ay pwedeng may laman na stimulants. Karaniwang ang kape, chocolates, tea at softdrinks ay may laman na caffeine na siyang nagsisilbing pampagising.

Ang iba tao naman ay umiinom ng energy drinks na may laman ding caffeine.

Gamot sa Palaging Inaantok

Ang lunas sa pagiging antukin ay pwedeng magkaroon ng solusyon depende sa dahilan nito. Ilan lamang sa mga posibleng solusyon ay pagtulog ng sapat na walong oras, pagkain ng masustansiyang pagkain at pag ehersisyo.

Kung ang pagiging antukin ay dahil sa mga karamdaman gaya ng impeksyon o diabetes, marapat na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor upang makakuha ng lunas at gamot.

May ilang pagkakataon na kung saan ang pagiging antukin ay dahil sa pagkasira ng immune system. Ang mga sakit gaya ng diabetes, HIV at iba pa ay pwedeng magdulot ng madalas na pagkaantok.

May ilang problema sa utak at nerves ang pwedeng magdulot rin ng pagiging antukin. Dapat na ikonsulta ito sa doktor kung ikaw ay araw araw na inaantok at nangyayari sa buong maghapon.

Source reference: WebMD

error: Copyright Protected!