Sumasakit Na Batok – Ito Ba Ay High Blood Na?

May masakit ba sa batok mo? Kung ang kondisyon na ito ay nagyayari nang madalas, dapat mo itong ipatingin sa isang doktor. Ang pananakit sa batok ay madalas na hindi naman seryoso lalo na kung ikaw ay pagod. Ngunit kung may iba pang sintomas o kaya naman kung ito ay palaging nangyayari, maaaring may kinalaman ito sa isang sakit.

Ano Ang Mga Sintomas Nito?

Ang masakit na batok ay madalas na may mga pakiramdam tulad ng sumusunod:


  • Ngalay na sakit
  • Mainit na pakiramdam
  • May parang tumutusok
  • Masakit kapag yumuyuko o gumagalaw

Bakit Ito Nangyayari?

May ilang karamdaman na pwedeng magdulot ng masakit na batok. Ang mga sumusunod ay pwedeng maging sanhi nito:

  • High blood pressure o hypertension
  • Maling posisyon ng pagtulog
  • Nabunggo ng matigas na bagay
  • Karamdaman sa spinal cord
  • Mataas ang kolesterol sa dugo
  • Problema sa puso
  • Impeksiyon

May Lunas at Gamot Ba?

Ang pananakit sa iyong batok ay magagamot lamang kung alam mo na ang sanhi nito. Kung laging mali ang iyong pagtulog, subukan na ibaba ng bahagya ang iyong unan. Madalas na masakit ang batok paggising sa umaga ang senyales nito.

Ang pagkakaroon ng high blood pressure ay isang problema na dapat ikonsulta sa isang doktor. May gamot na nagpapababa ng presyon ng dugo at ito ay maaaring makalunas sa masakit na batok.

Ang pilay o pananakit sa buto ng batok ay poisble ring mangyari kung ikaw ay may arthritis. Ang mga gamot para rito ay sa pamamagitan ng pain reliever. Importante na ikonsulta muna sa doktor ang pag-inom ng kahit anong gamot.

Ang pagmamasahe sa batok ay maaaring makatulong upang mabawasan ang pananakit nito. Ang pagrerelax ay importante rin kung sa tingin mo ay pagod ang dahilan ng pananakit.

Iba Pang Sintomas

Ang masakit a parte ng batok ay maaaring may iba pang sintomas na may kinalaman sa high blood. Dapat mong bantayan ang pananakit ng ulo, pagkahilo, panghihina at mabilis na pagtibok ng puso. Kung makaranas ng mga ito, agad na pumunta sa ospital upang masuri.

Ang hypertension ay nagagamot ngunit ito ay pangmatagalan. Pwede kang magpa check up sa isang cardiologist kung sa tingin mo ay hypertension ang iyong sintomas.

error: Copyright Protected!