Pamamanhid ng Kamay – Ano Ang Gamot at Dahilan

Bakit laging namamanhid ang kamay ko? Kung ito ay iyong nararanasan ng madalas, maaaring may nasirang nerve sa iyong kamay na dapat gamutin. Madalas na ang sakit na ito ay nararanasan ng matatanda. Ngunit kahit ang kabataan ay pwedeng magkaroon nito dahil sa mga gawain na nagpapahina ng ugat o nerves.

Mga Dahilan ng Pamamanhid ng Kamay

May mga karamdaman na pwedeng maging dahilan ng pamamanhid ng kamay. Ang ilan sa mga ito ay Diabetes, damage sa ugat o nerves o kaya Stroke.

Related: Namamanhid Na Kamay At Paa

May ilan pang mga karamdaman na pwedeng magdulot nito gaya ng:

  • Carpal Tunnel Syndrome – isang uri ng damage sa ugat malapit sa kamay
  • Impeksyon sa ugat
  • Kulang sa ilang vitamins
  • Katandaan

Mga Sintomas ng Pamamanhid ng Kamay

Ang ilan sa mga ito ay madalas na daing ng mga taong may pamamanhid

  • Parang tumutusok tusok sa kamay
  • Walang pakiramdam ang taas ng kamay at palad
  • Parang may mga insektong gumagapang
  • Hindi maigalaw ang kamay ng maayos
  • Namamanhid ang kamay sa matagal na paghawak
  • Namamanhid ang kamay kapag ginagamit
  • May parang kuryente sa kamay

Anong Doktor and Dapat Konsultahin

Ang isang neurologist ay makakatulong para malaman ang sanhi ng pamamanhid ng kamay. Ito ay eksperto sa mga ugat o nerves, spinal cord at utak.

Ano Ang Gamot sa Pamamanhid ng Kamay?

Ang gamot ay ibibigay ng doktor base sa nakitang problema. May mga pagsusuri na gagawin bago malaman kung ano ang solusyon sa pamamanhid. Sa isang banda, may mga simpleng parran para manumbalik ang sigla ng mga ugat at maayos ito.

Ang Vitamin B complex na binubuo ng Vitamin B1, B6 at B12 ay madalas na nirerekomenda ng doktor sa mga pasyenting may problema o sira sa nerves. Maaari ring magrekomenda ang doktor ng physical therapy para sa mga kamay kung ito ay kailangan.

Mga Pagkain Na Dapat Kainin

Ang pagrekober ng mga ugat o nerves ay depende sa binigay ng gamot ng doktor at kung anong therapy ang gagawin. Madalas, ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakakatulong para tumibay ang buong katawan at magamot ang ilang sakit.

References from Mayoclinic

error: Copyright Protected!