Pagtatae – Ano Ang Gamot Para Sa Nagtatae Na Bata

Karaniwan na ang mga bata ang tinatamaan ng pagtatae. Ito ay dahil mahina ang kanilang sikmura at tiyan. Ngunit may mga matatanda rin na nakakaranas ng pagtatae at ito ay hindi dapat balewalain. Ang kaalaman ng dapat gawin sa pagtatae ang magbibigay ng solusyon sa karamdamang ito.

Mga Sintomas ng Pagtatae ng Bata at Matanda

Halos pareho lamang ang mga sintomas nito sa bata at matanda. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Madalas na pagpunta sa kubeta
  • Halos tubig na dumi at malabnaw
  • Dilaw na dumi na likido
  • Humihilab ang tiyan
  • Nanghihina
  • Natutuyo ang balat
  • Maaaring makaranas ng pagsusuka

Related: LBM o Diarrhea Ano Ang Lunas

Bakit Ako Nagtatae

Ang pagtatae ay reaksiyon ng ating sikmura sa mga bagay na kinain natin. Ito rin ay pwedeng dahil sa isang sakit na hindi pa nalalaman. May ibang tao rin na nagtatae dahil sa stress at pagod o puyat. Ang ibang dahilan naman ay isang uri ng pagkalason sa pagkain o food poisoning. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ka nagtatae:

  • Maduming pagkain
  • Impeksyon sa sikmura
  • Impeksyon sa malaking bituka
  • Pagkalason sa pagkain
  • Stress at Pagod
  • Pagpupuyat
  • Pag-inom ng alak o anumang may alcohol
  • Pagkain o pag-inom ng sobra ng may caffeine
  • Pag-inom ng maruming tubig

Ano ang Ingles ng Pagtatae

Ito ay karaniwang tinatawag na diarrhea o kaya naman ay LBM o loose bowel movement.

Mga Dapat Gawin Kapag Nagtatae

Ang pagtatae ay nagdudulot ng malabnaw na dumi. Dahil dito, maaari kang maubusan ng tubig sa katawan at mga sustansya. Dapat kang uminom palagi ng tubig at kumain ng sapat para mapalitan ang mga ito. Ang mga doktor ay pwede ring magbigay ng gamot para mabawasan ang hilab ng tiyan o kaya naman ay mas dumalang ang pagpunta mo sa kubeta.

Mga Dapat Iwasan ng Pagkain

Iwasan muna kumain ng mabigat. Unti-untiin ang pagkain at huwag biglain ang tiyan. Makakabuti kung isang putahe lang ang kakainin sa bawat oras ng kainan. Umiwas muna sa mga pagkaing mamantika, mataba at yung may mga kasamang dairy products gaya ng keso, mentekilya at gatas.

Ano Ang Dapat Kainin

Makakatulong ang saging para maging buo ulit ang dumi kapag nagtatae. Ito ay may mga sangkap na nagpapatigas ng dumi.

Klase ng Doktor Para sa Pagtate

Ang isang family medicine doctor ay pwedeng sumuri ng pagtatae. Ngunit ang gastroenterologist ang eksperto sa ganitong karamdaman.

Reference from WebMD

By
Last updated on

error: Copyright Protected!