Palaging Nanghihina Na Pakiramdam, Ano Ang Dahilan At Ano Ang Gamot

Ikaw ba ay parang palaging hapo at nanghihina? Maraming tao ang nakakaranas ng ganitong sintomas ngunit nakaka-rekober din matapos ang pahinga. Ngunit ang madalas na panghihina ng katawan ay maaaring senyales ng mas malalim na problema sa kalusugan. Importanteng malaman ang dahilan nito na pwedeng makaapekto sa gawaing pang araw-araw.

Dahilan ng Panghihina ng Katawan

Diabetes – ito ay sanhi na mataas na sugar sa dugo. Kapag ang taong may diabetes ay hindi nagpakonsulta sa doktor, ito ay maaaring magdulot ng komplikasyon. Isa sa mga sintomas ng diabetes ay ang panghihina at panlalambot.

Magtanong Sa Doktor

See: Online Consultation

Fatigue – ito ay kondisyon ng katawan kung saan ang sobrang paggawa ay nakakaubos ng enerhiya. Ang taong may fatigue ay madalas din na may nararamdamang sakit gaya ng sakit sa ulo, sakit ng mga kasu-kasuan at sakit ng katawan.

Problema sa Nerves – May mga taong nakakaranas ng sobrang panghihina kapag may problema sa nerves o kaugatan. Ito ay maaaring mangyari kung ang naapektuhan ay ang spinal cord.

Impeksiyon – ang pagkakaroon ng impeksiyon sa katawan ay pwedeng magdulot ng panghihina. Kung ikaw ay may lagnat at iba pang sintomas, magpakonsulta sa doktor upang sumailalim sa mga pagsusuri.

Diarrhea – ang pagkakaroon ng diarrhea o LBM ay nakakapanghina sa pakiramdam lalo na kung ikaw ay kulang na sa tubig. Dapat kang uminom ng sapat na dami ng tubig para mapalitan ang nawala sa pagtatae.

Cancer – ang kanser ay nagdudulot ng pagtamlay at panghihina kapag ito ay nasa malubhang kalagayan na. Kapag kumalat na ang cancer cells, maaaring bumaba ang timbang ng isang tao, mawalan ng gana sa pagkain at tumamlay.

Stress – maraming uri ng stress na pwedeng makapagpahina ng katawan. Ito rin ay pwedeng maging sanhi ng malalang mga sakit. Ang stress ay dapat na gamutin kung ito ay nagiging problema na sa pang araw araw na gawain sa trabaho at sa bahay.

HIV – ang taong may HIV ay posibleng makaranas ng panghihina. Ito ay dahil sa ang immune system o resistensiya ay nagsisimula nang maging mahina dahil sa virus.

Malnutrisyon – ang kakulangan sa sustansiya ng kinakain ay hindi lamang nangyayari sa mga bata. Ang ordinaryong tao ay pwedeng magkaroon ng kakulangan sa sustansiya sa katawan dahil sa hindi pagkain ng wasto at tama.

Kakulangan sa Pahinga at Tulog – may ilang tao na kulang sa tulog dahil sa insomnia, trabaho o dahil sa di mapipigilang sitwasyon. Ang simpleng pagtulog ng sapat ay pwedeng makatulong para bumalik ang sigla ng katawan.

Gamot sa Panghihina ng Katawan

Importante na malaman muna kung ano ang dahilan ng panghihina at panlalambot. May mga tests o pagsusuri na gagawin ang doktor upang malaman ang dahilan nito.

See: Klase ng Doktor

Ilan sa mga halimbawa ng tests ay physical exam, blood test, blood chemistry, ultrasound at iba pa. Aalamin din ng doktor ang kasaysayan ng iyong kalusugan at iba pang impormasyon sa iyong pamilya.

Mga Sintomas

Ano ang sintomas ng palaging nanghihina na pakiramdam? Ang pagkahapo at madalas na panghihina ng katawan ay may mga ilang sintomas:

  • Pakiramdam na palaging nanghihina
  • Laging inaantok
  • Hindi makabangon sa umaga
  • Walang gana
  • Nanlalambot na katawan
  • Walang lakas na mga kalamnan

Kailangan ba ng Vitamins?

Makakatulong ang vitamins kung ikaw ay may kakulangan sa ilan sa mga ito. Ang ibang sanhi ng panghihina ay dulot ng kakulangan sa tamang sustansiya. Ang vitamin supplements ay nagbibigay suporta sa kalusugan.

More: Matamlay Bigla Ang Pakiramdam

Kailan Dapat Magpa Check Up

Kung ikaw ay may ibang sintomas na hindi alam ang dahilan, magpakonsulta sa doktor. Ang panghihina ay isa lamang sa mga senyales na may problema sa iyong kalusugan. Mangyaring bantayan ang iyong katawan at alamin kung ano pang pagbabago ang nararanasan sa loob ng ilang araw. Ilan sa mga dapat bantayan ay lagnat, pagsusuka, pagkahilo, sakit sa ulo, pagdurugo at pagkalito.

Mga Pagakin na Pampasigla ng Katawan

Ang ilang pagkain na makakatulong sa ganitong sintomas ay mura at madaling bilhin. Halimbawa, ang mga prutas na sagana sa vitamin C at A ay nakakatulong para maging matibay ang resistensiya. Ilan sa mga ito ay bayabas, ubas, orange at mansanas.

Horoscope For Tomorrow

X
error: Copyright Protected!