Palaging Nanghihina Na Pakiramdam

Ang madalas na panghihina ng katawan ay maaaring senyales ng diabetes, cancer o infection. Alamin natin kung ano ang mga dahilan.

Diabetes – Ito ay sanhi na mataas na sugar sa dugo. Isa sa mga sintomas ng diabetes ay ang panghihina at panlalambot.

Fatigue – Ito ay kondisyon ng katawan kung saan ang sobrang paggawa ay nakakaubos ng enerhiya.

Problema sa Nerves – May mga taong nakakaranas ng sobrang panghihina kapag may problema sa nerves o kaugatan. Ito ay maaaring mangyari kung ang naapektuhan ay ang spinal cord.

Impeksiyon – Ang pagkakaroon ng impeksiyon sa katawan ay pwedeng magdulot ng panghihina. Kung ikaw ay may lagnat at iba pang sintomas, magpakonsulta sa doktor upang sumailalim sa mga pagsusuri.

Diarrhea – Ang pagkakaroon ng diarrhea o LBM ay nakakapanghina sa pakiramdam lalo na kung ikaw ay kulang na sa tubig.

Cancer – Ang kanser ay nagdudulot ng pagtamlay at panghihina kapag ito ay nasa malubhang kalagayan na.

Stress – Maraming uri ng stress na pwedeng makapagpahina ng katawan. Ito rin ay pwedeng maging sanhi ng malalang mga sakit.

HIV – Ang taong may HIV ay posibleng makaranas ng panghihina. Ito ay dahil sa ang immune system o resistensiya ay nagsisimula nang maging mahina dahil sa virus.

Malnutrisyon – Ang kakulangan sa sustansiya ng kinakain ay hindi lamang nangyayari sa mga bata. Ang mga adults ay pwede ring manghina dahil sa kulang na nutrisyon.

Kakulangan sa Pahinga at Tulog – May ilang tao na kulang sa tulog dahil sa insomnia, trabaho o dahil sa di mapipigilang sitwasyon.

Importante na malaman muna kung ano ang dahilan ng panghihina at panlalambot. May mga tests o pagsusuri na gagawin ang doktor upang malaman ang dahilan nito.

Minsan, ang pasyenete ay kulang lamang sa vitamins. Ang iba naman ay kailangan gumamit ng gamot na bigay ng doktor lalo na sa mga may infection, HIV at diabetes.

Uri ng Doktor

Ang doktor para sa panghihina ay pwedeng isang family medicine. Dahil sila ang unang magibibgay ng diagnosis, pwede rin silang mag-refer sa iba kung may resulta ng diagnostic tests.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Palaging Nanghihina Na Pakiramdam