Palaging Barado Ang Ilong

Ang ilong mo ba ay parating barado? May mga dahilan na nagpapabara sa ilong at ito ay dapat mong malaman upang makakuha ng lunas. Ang ilong ay pwedeng mabarahan kapag ikaw ay may sakit. Ngunit posible ring ito ay dahil sa isang malalang karamdaman.

Ano Ang Mga Sintomas Nito?

Ang baradong ilong ay posibleng magkaroon ng iba’t-ibang sintomas. Ngunit madalas sa mga ito ay pwedeng may kinalaman sa sipon.


Ang ilan sa mga sintomas ay:

  • Ngongo kapag nagsasalita
  • Barado ang ilong at hirap sa paghinga
  • Walang maamoy (hindi makaamoy)
  • Walang hangin na lumalabas sa ilong
  • Mabigat ang loob ng ilong

Bakit Barado Palagi Ang Ilong Ko?

Ang pagbabara sa ilong ay nagiging problema kapag ikaw ay hindi makahinga ng maayos. May ilang sitwasyon kung bakit ito nangyayari. Ang mga sumusunod ay ang posibleng mga sanhi nito:

  • Pagkakaroon ng sipon at ubo
  • Pagkakaroon ng sinusitis o pamamaga ng sinuses
  • Pagkakaroon ng allergy
  • Paglanghap ng maduming hangin
  • Pagkakaroon ng tumor sa loob ng ilong

Ano Ang Lunas Dito?

Ang lunas sa baradong ilong ay depende sa mga sintomas nito at sanhi. Kung ito ay dahil lamang sa simpleng sipon, may mga gamot na pwedeng gamitin para lumuwag ang paghinga.

Sa sinusitis, may mga gamot din na epektibo para lumuwag ang paghinga. Ito ay nakakatulong upang mawala ang bara nito. Ang gamot ay dapat na may reseta ng isang doktor upang makasiguro sa bisa nito.

Ang pagkakaroon ng tumor sa loob ng ilong ay posibleng magkapagbara sa paghinga. Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng tumor ay ang paninigarilyo at paglanghap ng mga mapanganib na kemikal.

Sumisukip ang loob ng ilong kapag ang tao ay may allergy. Ito ay kasabay ng pagsikip ng hininga sa lalamunan dahil sa allergic reaction. May mga gamot na pwedeng magpawi ng allergy na siyang magbibigay ng maluwag na paghinga.

May Dugo Ang Ilong Ko

Kung ang pagbabara ng ilong ay may kasamang dugo, dapat na ito ay ipaalam sa isang doktor. Maaaring may nasugatang bahagi ng ilong o di kaya naman ay may problema sa mga tissue sa loob nito.

May mga doktor na espesyalista sa ilong na tinatawag ding ENT doctors. Pwede nitong matingnan ang loob ng ilong upang malaman ang sanhi ng pagbabara.

 

 

error: Copyright Protected!