Nangangalay Na Kamay At Braso – Ano Ang Dahilan Ng Sintomas Na Ito?

Lagi bang nangangalay ang iyong mga kamay? Sa iyong braso at mga daliri pwede rin itong mangyari. Ngunit ano ba ang sanhi ng ganitong sintomas? Importante na malaman mo ang dahilan dahil ang pangangalay ay pwedeng dahil sa isang sakit sa nerves o kaugatan.

Ano Ang Posibleng Dahilan Nito

Nerve damage – ang pagkakaroon ng problema sa kaugatan ay pwedeng magdulot ng pangangalay. Ito ay dahil sa ang mga kaugatan ay konektado sa utak at siyang nagsasabi na may problema kung kaya ito ay sumasakit.


Magtanong Sa Doktor



See: Consultation Sa Doktor

Ang nerve damage ay pwedeng dahil sa sobrang paggamit ng mga kamay, kakulangan sa ilang vitamins o kaya naman ay dahil sa ibang sakit.

Halimbawa ng mga sakit na nagdudulot ng nerve damage ay:

  • Diabetes
  • Spinal cord diseases
  • Muscle damage

Pagod at stress – ang sobrang paggamit ng mga kamay at braso ay pwedeng makapagbigay ng stress sa mga ito. Halimbawa, kung palagi kang gumagamit ng keyboard sa computer o palaging hawak ang iyong cellphone, pwedeng sumakit at mangawit ang iyong mga kamay.

Lunas at Gamot

Paano ito gagamutin? Ang simpleng pagpapahinga ng mga kamay ay makakatulong na para mabawasan ang pangangalay. Kung ito ay palaging pagod, iwasan munang gumawa ng mga trabaho na ginagamitan ng kamay.

See: Doktor Na Dapat Konsultahin

Makabubuti ring bigyan ang mga ito ng konting masahe upang maging maganda ulit ang daloy ng dugo.

Pwede ka ring uminom ng mg multivitamins para sa nerves. May ilang vitamins na nirerekomenda ng mga doktor para maayos ang mga nasirang nerves sa iyong katawan. Ilan sa mga ito ay Vitamin B1, B6 at B12. Pwede kang bumili ng mga ito sa botika na hindi na kailangan ng reseta. Ngunit dapat ka pa ring mag-ingat kung ito ay unang beses na iyong iinumin. Posibleng magkaroon ka ng side effects kung ikaw ay allergic sa mga ito. Mabuting kumonsulta muna sa doktor.

May ilang exercises o ehersisyo na pwedeng makatulong sa nangangalay na kamay. Ang pagmasahe ay importante upang mabawasan ang kahit anong pananakit at pamamanhid. Siguruhing magpakonsulta sa doktor kung ang iyong sintomas ay hindi nawawala sa loob ng ilang araw.

Mga Sintomas Na Nararamdaman

Nangangalay na kamay at braso

Pananakit ng mga kasu-kasuan sa kamay

Nangangawit mula sa siko hanggang sa kamay

May paninigas at namamnhid ang mga kamay

Nanginginig na kamay at daliri

error: Copyright Protected!