Palaging Makati Ang LaLamunan – Ano Ang Sanhi Nito?

Nangangati ba ang iyong lalamunan? Ito ay pwedeng maging sanhi ng pag-ubo at pagdahak. Kung ito ay madalas mangyari, dapat na malaman mo kung bakit ito nangyayari. Sa isang banda, importante rin na mapanatili mo ang iyong kalusugan  upang maiwasan ang mga sakit.

Mga Posibleng Sintomas

Iba iba ang interpretasyon ng mga tao sa pakiramdam sa lalamunan. Narito ang ilan sa mga nirereklamong sintomas ng mga tao tungkol sa parteng ito:


  • Tuyo at makati ang lalamunan sa loob
  • Nangangati at nauubo
  • Parang may gasgas sa lalamunan
  • Nadadahak at nauubo sa kati ng lalamunan
  • May parang plema sa lalamunan

Bakit Nangangati Ang Lalamunan ko sa Loob?

Ang throat o lalamunan ay pwedeng magkaroon ng makating pakiramdam. Kahit na ito ay hindi balat, maaari kang magkaroon ng tulad na sintomas dahil sa ilang dahilan.

Sore throat – ito ay posibleng mangyari kapag ikaw ay may impeksyon sa lalamunan. Ang sore throat ay pwedeng dahil sa tonsillitis at ito ay nagdudulot din ng ilang panankit kapag lumulunok. Kung ikaw ay may nararamdamang masakit kapag lumulunok, lagnat at namumula o namumuti ang iyong tonsils, ito ay maaaring tonsillitis.

Kung ikaw ay may panunuyo ng lalamunan, importante na ikaw ay marehydrate. Ang simpleng pag-inom ng tubig ay makakatulong na. Ang pagkakaroon rin ng plema at ubo ay maaaring magdulot ng makating lalamunan. Ito ay pwedeng magamot gamit ang mga nabibiling over the counter medicine. Itanong lamang sa iyong paboritong botika.

Paano Gamutin?

Sa bahay, maaari ka ring uminom ng mga juices na sagana sa vitamin C. Pwede ka ring gumamit ng lozenges para mapawi ang pangangati ng lalamunan.

Anong Klaseng Doktor Ang Para Sa Lalamunan?

Kung ikaw ay may ibang sintomas gaya ng lagnat o pagdudugo ng lalamunan, maaari kang pumunta sa isang ENT na doktor.

 

error: Copyright Protected!