Epektibo Ba Ang Bawang Sa Highblood?

Mabisa ba ang bawang sa high blood o hypertension? Ang mga taong may altapresyon o mataas na blood pressure ay nakakaranas ng mga sintomas na di kaaya-aya. May mga gamot na pwedeng inumin para pababain ang blood pressure. Ngunit may ilang pagkain na pwedeng makatulong upang mas mapabuti ang sintomas ng hypertension at maibalik sa normal ang pressure ng dugo.

Ano Ba Ang High Blood?

Ito ay kondisyon ng kalusugan kung saan ang pressure o presyon ng dugo sa katawan ay mataas. Maaaring may kinalaman ito sa kalusugan ng tao, pagkain at mga gawain sa buhay gaya ng pagiging stressed. Ang high blood ay delikado kapag napabayaan dahil pwede itong humantong sa heart attack o stroke. Mainam na laging kontrolado ang presyon mo upang makaiwas sa matinging sakit na dulot nito.


Pwede Ko Bang Gamiting Panggamot ang Bawang?

May mga pag-aaral na ang bawang ay nakakatulong para mapababa ang blood pressure. Ayon sa WebMD, napapababa nito ang high blood pressure ng hanggang 8%. Ngunit hindi ito dapat gamitin bilang ekslusibong gamot para sa iyong altapresyon. Makakabuting kumonsulta ka sa iyong doktor o cardiologist para mabigyan ka ng epektibong maintenance medicine para sa hypertension. Pwede ka pa rin gumamit ng bawang sa iyong pagluluto at iba pang pagkain at makakatulong ito bilang supplement sa iyong condition.

Paano Gamitin Ang Bawang Para Sa High Blood?

Ang pagkain ng bawang ang isyang tinuturong paraan upang mapababa ang altapresyon. Ibig saibhin nito ay ang paggamit nito sa iyong mga lutuin at iba pang pangsahog ay sapat na upang makuha ang bisa nito. May ilang tao na kumakain ng bawang na hilaw at nagsasabing gumaganda ang pakiramdam nila matapos itong kainin.

Kung nain mong makuha ang epekto ng bawang para sa iyong highblood pressure, ugaliing isama ito sa iyong pansahog kapag magluluto ng ulam. Maaari ka ring gumamit ng garlic powder na pampalasa o kaya kumain ng garlic chips bilang meryenda.

error: Copyright Protected!