Naiihi Pero Walang Lumalabas – Mga Sanhi ng Pigil Na Ihi

Naiihi ka ba pero walang lumalabas? Ito ay pwedeng mangyari sa babae at lalaki at importante na malaman kung bakit ito nangyayari. Ang pigil na ihi at maaaring sintomas ng isang sakit at ito ay dapat na malunasan agad para hindi lumala. Ang pag-ihi ay importante para maalis ang mga toxins sa katawan. Dapat itong pagtuunan ng pansin.

Ano Ang Sintomas?


Ang hindi maihi sa babae at lalaki ay pwedeng magkaroon ng mga sintomas gaya ng:

Konti ang lumalabas ng ihi

Ihing ihi na pero walang lumalabas

Parang may nakabara sa pag-ihi

Naiihi pero konti at may dugo

May dugo sa ihi at kaunti ang lumalabas

Masakit ang titi o puki kapag umiihi

Masakay ang puson kapag umiihi

Madaming ininom na tubig pero konti ang ihi

Ano Ang Mga Dahilan ng Hirap na Pag-ihi?

Ang isa sa pwedeng dahilan ng hirap sa pag-ihi ay UTI o urinary tract infection. Madalas ito sa babae lalo na sa mga buntis. Ngunit pwede rin nitong magkaroon ang mga kalalakihan. Ang UTI ay minsang may sintomas ng lagnat ngunit hindi lahat ay nagkakaroon nito.

Sa mga lalaki, pwede itong maging sanhi ng prostate cancer o kaya naman at prostatitis. Ito ay ang pamamaga ng prostate na siyang gumagawa ng likido na parte ng tamod o semen. Kapag ito ay namamaga, pwede itong makasagabal sa pag-ihi.

Ano Ang Gamot Para Rito?

Ang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng reseta para sa mga gamot na ito. Madalas ito ay ginagamot ng antibiotics. Importante na magpacheck-up agad sa doktor upang malaman kung ano ang tunay na sanhi ng iyong karamdaman.

Hindi dapat balewalain ang anumang sintomas na iyong mararamdaman gaya ng problema sa pag-ihi. Ang isang urologist ay pwedeng makonsulta para sa ganitong sintomas. Importante na uminom ng tubig ng regular na dami upang maging batayan ng iyong pag-ihi.

error: Copyright Protected!