Pantal Pantal Na Katawan Bakit Meron Ako Nito

May mga pantal pantal ka ba sa katawan? May ilang sanhi nito na hindi dapat balewalain. Kung ito ay madalas na mangyari sa iyo, dapat mong malaman kung ano ang dahilan. Minsan, ang ilang pantal ay may pangangati. Ngunit may iba rin na bigla na lang lumilitaw nang walang dahilan. Ano ang mga sintomas nito?

Sintomas ng Pantal Pantal

Sa balat nakikita ang pantal sa katawan. Ilan sa mga sintomas nito ay ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng pantal pantal na katawan
  • Nakaalsa na pantal sa balat
  • Pantal pero hindi makati
  • Pantal na kulay pula at makati
  • Pantal sa batok at leeg
  • Mga pamamantal sa balat ng tiyan at likod
  • Pantal na may pulang tuldok sa gitna

Pantal in English

Ano sa English and pantal? Ang madalas na tawag dito ay rashes. May iba naman na gumagamit ng salitang bumps on the skin.

Ano Ang Sanhi Nito?

May ilang karamdaman na pwedeng mauwi sa pagpapantal ng karawan. Ang isa rito ay rashes. Ang rashes ay nasa balat at pwede itong makuha dahil sa iritasyon gaya ng mga dumi at alikabok. Pwede ka rin makakuha ng pantal dahil sa kagat ng insekto.

Sa isang banda, ang allergy ay isa ring madalas na dahilan ng pantal. Kung ikaw ay may allergy sa pagkain at iba pang bagay gaya ng pabango, make up o gamot, pwede kang magkaroon ng pantal. Samantala, may ilang karamdaman na pwedeng maging sanhi ng pantal gaya ng diabetes, HIV at iba pang may kinalaman sa balat at dugo.

Ano Ang Gamot sa Pantal?

Importante na ikaw ay makita ng isang doktor kung ang pantal mo at lumakad sa buong katawan, nakakaabala sa iyong buhay o kaya naman ay pabalik balik. Ang isang dermatologist ang siyang pwedeng tumingin ng mga pantal sa balat.

Mga Dapat Iwasan na Pagkain

Ang pantal ay pwede ring makuha mula sa pagkain na nagiging sanhi ng allergy. Ilan sa mga ito ay pwedeng dahil sa seafoods gaya ng isda o hipon, itlog, mga artificial na pagakin, mani at it ba pa. Iwasan ang mga ito kung ikaw ay may allergy.

error: Copyright Protected!