Sungki Na Ngipin – Paano Ayusin

Sungki pa ang ngipin mo? Maraming tao ang nahihiyang ngumiti dahil sa tabingi o sungki ang ngipin nila. Kung ito ay problema mo rin, importante na malaman mo kung ano ang pwedeng gawin para maayos ito. Ang sungki ay hindi naman delikado ngunit pwede itong makaapekto sa iyong itsura at bumaba ang iyong self esteem.

Sintomas ng Sungki na Ngipin

Kita kaagad sa itsura ang ngipin na sungki. Kapag ikaw ay ngumiti, isa sa iyong ngipin ay pwedeng naka tabingi o kaya naman ay nakalitaw kaysa sa iba.


Ang ngipin na sungki ay pwede ring mangyari sa mga gilid na ngipin o kaya naman sa pangil.

Paano ito Inaayos o Ginagamot?

Ang dentista lamang ang pwedeng magbigay ng payo kung paano ito aayusin. May mga procedures sila na ibibigay sa iyo kung gusto mo itong tumuwid ay maayos. Ilan sa mga posibleng lunas at ang pagkakaroon ng retainer o braces.

Ano Ang English ng Sungki

Walang eksaktong salita ang sungki sa English pero ginagamit ang abnormal tooth growth o angled teeth bilang tugon sa sungki. King ikaw ay nag-aalala sa iyong itsura, pwede mo itong ikonsulta sa isang dentista.

error: Copyright Protected!