Naiihi ka ba pero walang lumalabas? Ito ay pwedeng mangyari sa babae at lalaki at importante na malaman kung bakit ito nangyayari.
Ano Ang Sintomas Mo?
Ang pigil na ihi ay pwedeng magkaroon ng mga sintomas gaya ng:
- Konti ang lumalabas ng ihi
- Ihing ihi na pero walang lumalabas
- Parang may nakabara
- May dugo sa ihi at kaunti ang lumalabas
- Masakit ang ari kapag umiihi
- Masakit ang puson kapag umiihi
- Madaming ininom na tubig pero konti ang lumalabas
Ano Ang Mga Dahilan ng Hirap na Pag-ihi?
Infection
Ang isa sa pwedeng dahilan ng hirap sa pag-ihi ay UTI o urinary tract infection. Madalas ito sa babae lalo na sa mga buntis.
Prostate
Sa mga lalaki, pwedeng ang sanhi nito ay prostate cancer o kaya naman at prostatitis. Ito ay ang pamamaga ng prostate na siyang gumagawa ng likido na parte ng tamod o semen. Kapag ito ay namamaga, pwede itong makasagabal sa pag-ihi.
Ano Ang Gamot Para Rito?
Ang doktor lamang ang pwedeng magbigay ng reseta para dito. Madalas ito ay ginagamot ng antibiotics. Importante na magpacheck-up agad sa doktor upang malaman kung ano ang tunay na sanhi ng iyong karamdaman.
Ang isang urologist ay pwedeng makonsulta para sa ganitong sintomas. Importante na uminom ng tubig ng regular na dami upang maging batayan ng iyong pag-ihi.