Naninikip ba ang paghinga mo? Maraming tao ang nakakaranas nito ngunit kailangan mong malaman ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Kung ikaw ay nahihirapan huminga sa nakaraang ilang oras, dapat kang pumunta sa emergency room ng kahit anong ospital na malapit sa iyo.
Ano Ang Posibleng Dahilan ng masikip na hininga?
- Asthma
- Hyperacidity
- Cancer sa Baga (lung cancer)
- Hypertension
- Heart Attack (atake sa puso)
- Anxiety attack (nerbiyos)
Ang mga nailistang mga karamdaman ay mga posibleng dahilan lamang ng masikip na paghinga. Importante na ikaw ay magpakonsulta sa isang doktor upang masuri ang iyong kalagayan. Ilan sa mga test na pwede niyang irekomenda ay X ray sa dibdib, MRI, CT Scan at iba pa.
Bakit Ito Nangyayari?
Ang sintomas na ito ay hindi eksaktong sakit na iyong magagamot. Ito ay maaaring resulta ng iba pang sakit kaya nagiging mahirap ang iyong paghinga. Madalas na ito ay may kinalaman sa baga. Ngutni may ilang dahilan din na kung saan ang apektadong parte ng katawan ay sikmura, dibdib at lalamunan.
Lung Cancer
Ito ay madalas na nakikita sa mga taong naninigarilyo. Ang lung cancer ay pwedeng magdulot ng hininga na masikip kapag ito ay kumalat na.
Asthma
Ang simpleng asthma o hika ay pwedeng magdulot ng masikip na panghina. Kung ikaw ay meron nito, maaari kang gumamit ng nebulizer ayon sa reseta ng doktor.
Hyperacidity
Kung ikaw ay may mataas na acid sa sikmura, maaari itong magbigay ng pakiramdam na parang naninikip ang paghinga. Ito ay dahil naiirita ang iyong lalamunan at esophagus sanhi ng acid.
Ano Ang Dapat Gawin?
May gamot ba para sa naninikip na hinga? Kung ikaw ay nakakaranas nito, mabuting ipaalam sa isang doktor ang iyong sintomas upang malaman ang dahilan. Sa ilang mga sanhi, ang gamot ay pwedeng maibigay gaya ng para sa asthma at sa hyperacidity.
Kung ito naman ay dahil sa isang sakit gaya ng TB, lung cancer o kaya problema sa puso, ang gamot o solusyon ay ibibigay ng doktor ayon sa iyong karamdaman.
May ilang sintomas na dapat mong bantayan na maaaring sumabay sa masikip na paghinga. Ilan sa mga ito ay:
Matinding sakit ng ulo
Masakit na dibdib
Ubo
Pagsusuka
Pagkawala ng balanse sa pagtayo at paglakad
Kung ikaw ay may nararanasang sintomas maliban sa iyong problema sa paghinga, makabubuting pumunta agad sa isang doktor upang magamot at malunasan ito.